Napakurap-kurap ako. I blinked a couple of times to make sure na hindi ako namamalikmata. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko just to confirm it, and it's really him. Hindi ako pwedeng magkamali!
"Anak, si Sebastian," pagpapakilala ni mama sa kanya, at doon na ako bumalik sa wisyo. "Sebastian, si Tahnia."
"Tahnia," banggit niya sa pangalan ko gamit ang malalim niyang boses. May kung anong kiliti itong dala sa kaloob-looban ko. "It's nice to finally meet you," kaswal niyang sabi na para bang hindi niya ako kilala. There was no traces of familiarity in his eyes while looking at me.
Hindi na ba niya ako nakikilala?
Did he forget my face?
Kasi kung gano'n, nakakasama ng loob. Dahil siya, naaalala ko pa rin—bawat detalye, bawat angulo. It's just so unfair.
"N-Nice to meet you, too," sagot ko at tinanggap ang kamay niya.
The moment we held hands was also the moment I saw flashes of my memories that night—that one hot night with him.
"Anak, pasensya ka na, ha, kung hindi ko masabi-sabi sa 'yo," pagsingit ni mama.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Paano ko naatim na mag-isip nang malaswa sa lalaking makakasama ng aking ina?
Siguro magandang bagay na rin na mukhang hindi niya ako naaalala. Mas mabuti na 'yon kaysa maging komplikado pa ang sitwasyon namin. Ayokong pagmulan ng ikakasakit ng loob ng aking ina.
Sobrang dami na niyang napagdaanan.
"O-Okay lang, 'ma," sagot ko sa kanya at tipid na ngumiti. "Paano nga pala kayo nagkakilala?" tanong ko.
"Maupo muna tayo at ikukwento ko sa 'yo," aniya saka niya ako ginabayang maupo. Malambing siyang ngumiti sa akin. "Sobrang saya ko na umuwi ka na, 'nak. Kung alam mo lang kung gaano ako nag-aalala sa 'yo..."
"Ma, saglit lang din ako rito. Babalik din ako sa Maynila sa susunod na linggo. Umuwi lang talaga ako para makilala ang sinasabi mong papakasalan mo," sagot ko at pasimpleng tiningnan si Sebastian na nakatingin sa akin. Napaka-misteryoso ng mga mata niya. Hindi ko mabasa, kaya wala rin akong ideya kung anong nasa isip niya.
"Anak—"
"Then, we should make good use of your time, Tahnia," sabat niya sa usapan. Tipid siyang ngumiti sa akin. "I've heard a lot about you from your mother, and based on her stories, you're one good daughter," dagdag niya pa. At ewan ko ba, pero dama ko ang pagguhit ng mumunting kiliti sa aking tiyan dahil sa mga papuri niya.
"Sobrang bait ng anak ko, Sebastian," pagsakay rin ni mama sa sinabi niya.
"I can see that, Luiza. The way your face glimmers every time you talk about your daughter is one good proof of how good of a daughter she is," pagsang-ayon niya saka ako tiningnan nang ilang segundo.
"P-Paano nga pala kayo nagkakilala?" tanong ko ulit para maiba ang usapan. I don't want the conversation to be all about me. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa tuwing pinupuri niya ako.
"A-Ah...Nagkakilala kami noong eleksyon," sagot ni mama at tipid na ngumiti.
"Eleksyon? Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko pa pala nasasabi sa 'yo..." aniya at bahagyang napakamot sa kanyang pisngi. "Si Sebastian..." Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. "...ay ang bagong gobernador ng probinsya nat—"
"H-Ha?!" naibulalas ko. "P-Pero 'di ba mga Romano ang—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko at agad akong tumingin sa gawi ni Sebastian—namimilog ang mga mata.
"Yes, Tahnia; I am a Romano. Sebastian Von Romano, the eldest son of Ricardo Miguel Romano," aniya saka inilahad muli ang kanyang kamay. "Again, it's nice to finally see you."
"Ito ang dahilan kung bakit hindi ko masabi-sabi sa 'yo sa telepono ang tungkol sa kanya, anak," sabat ni mama. "At meron pang isang bagay akong sasabihin sa 'yo..."
Hindi ko muna pinansin si Sebastian. Ibinaling ko ang atensyon ko kay mama. Gulong-gulo ako. Labis-labis na rebelasyon ang bumungad sa akin pagkauwi na pagkauwi ko pa lang. I still couldn't believe that the man whom I sold my virginíty to five years ago, is also the same man who would soon become my stepfather. And he's no ordinary man—he's the freaking governor of this province!
"Ma, sabihin mo na sa akin. Isahan na lang," pagsusumamo ko. Dahil kung may mga baon pa siyang rebelasyon, sabihin na niya lahat para.
"Ang pinakarason kung bakit di ko masabi-sabi sa 'yo ang tungkol sa amin ay dahil..." Tumingin si mama kay Sebastian na para bang sinisenyasan niya ito na ito ang magsalita.
"We're getting married secretly," dugtong ni Sebastian.
"Secretly?"
"Oo anak. Tago ang relasyon namin," paglilinaw ni mama. "Iilan lang ang nakakaalam."
"Ha? Bakit?" kunot-noong tanong ko.
"Things are a bit complicated right now, Tahnia, and I do not want your mother and you to be dragged in the complexity of the situation."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Then why marry her when everything is complicated?" Hindi ko napigilan ang inis ko. "Why marry my mother when you can't even let the public know about your relationship? Hindi pang secret relationship ang mama ko. Ang pangit ng dating sa akin sa totoo lang," matigas kong sabi.
"A-Anak..." Ipinatong ni mama ang palad niya sa braso ko. "Huwag mong sisihin si Sebastian. Ako ang may gusto na ilihim namin sa publiko ang relasyon namin."
"Ano?" Bakas ang pagkalito at inis sa boses ko. "Bakit, 'ma?"
"M-Masyado pang komplikado ang sitwasyon, anak."
"I can't believe this," nahilot ko na lang ang sintido ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa totoo lang. None of these are within my expectations. Umuwi ako sa pag-aakalang sasaya ang nanay ko sa piling ng lalaking papakasalan niya, but it turns out I was wrong.
Paano siya sasaya kung itatago lang siya? At higit sa lahat, sa lalaking pinagbentahan ko pa ng laman limang taon na ang nakakaraan?
---
Natapos ang dinner na wala ako sa mood. Hindi ko lobos mahimay ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang inis at prustrasyon ko.
Kasalukuyan akong nasa likuran nila mama at Sebastian. Naglalakad na kami palabas ng restaurant.
"It's better if you start staying in my house, Luiza," rinig kong sabi niya. May idinugtong pa siya pero hindi ko na narinig pa nang maayos dahil sinadya niyang ibulong kay mama.
Habang naglalakad kami ay naisipan kong magbukas na lang ng cellphone para tingnan kung may importanteng emails akong natanggap, at doon ko lang din napansin na naiwan ko ang cellphone ko.
"M-Ma, naiwan ko ang cellphone ko. Balikan ko muna. Mauna na kayo," paalam ko at dali-daling bumalik sa table namin.
Mabuti na lang at nandoon pa.
Mabilis akong sumunod kina mama. Sa isip ko ay plano ko ring kausapin si Sebastian tungkol sa sitwasyon nila ng nanay ko. Oo, hindi ko gusto na siya ang makatuluyan ng nanay ko, pero dahil sa personal na dahilan 'yon—walang kahit na anong kinalaman sa kung ano mang namamagitan sa kanila.
Bilang anak, wala akong ibang hangad kundi kaligayahan ng nanay ko. At kung liligaya siya sa piling ni Sebastian, wala na akong ibang magagawa kundi ang suportahan sila. And I will only give my full support once I get to talk to him about the things I am concerned about.
Pagkalabas ko ng restaurant ay hinanap ko agad ang sasakyan ni Sebastian, at 'di na ako nahirapan pa dahil nakita ko siyang nakatayo sa labas kasama ang mga security guard niya.
Agaw pansin talaga siya. Tila may kung anong magnet sa paligid niya na awtomatikong hihila sa mga mata mo na mapatitig sa kanya.
Napailing na lang ako saka lumapit.
"Sorry, it took me long to get my phone," kaswal na sambit ko saka ako tipid na ngumiti sa kanya.
"It's fine. Get in," aniya at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat ng sasakyan.
"Thank you," saad ko at akmang papasok na sana pero natigilan ako nang marinig ang ibinulong niya.
"You're welcome, Taffy."
Napatingin ako sa kanya at isang misteryosong ngiti ang bumungad sa akin saka niya isinara ang pinto.
I was left confused and wondering.
He just called me Taffy.
Nasabi ba ni mama sa kanya ang palayaw ko o...
...naaalala niya ako?