Kabanata 7

1421 Words
Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang taxi na sinakyan ko mula airport papunta sa sakayan pauwi sa barangay namin. Hindi ko inakalang sa ganitong rason pa ako uuwi sa probinsyang kinalakihan ko. I can't believe my mother is getting married with a man I don't know. Ni wala siyang binanggit na pangalan o kahit picture man lang sana. Ipinilit niyang sa personal na niya sasabihin ang lahat, kaya kahit labag sa loob kong umuwi, ay umuwi ako. Hindi pwedeng basta na lang siyang ikasal nang hindi ko nakikilala ang mapapangasawa niya. Hindi ako tutol sa ideyang magkaroon siya ng asawa, ang sa akin lang ay gusto kong masigurong maayos at disente ang lalaking makakatuwang niya sa buhay. Dahil sa totoo lang ay kaya ko na siyang buhayin nang ako lang. Pero alam ko kasing hindi 'yon ang kailangan niya—na hindi lang tungkol sa pera ang lahat. Baka dahil lang din sa akin kaya niya naisipang mag-awasa ulit dahil hindi na niya ako palaging nakakasama. Bilang lang sa bawat taon ang pagkakataong nagkakasama kaming dalawa. Maybe she felt lonely. Maybe she felt alone. "Barangay San Vicente po," sabi ko sa tricycle driver habang hila-hila ko ang maleta ko. Agad naman akong tinulungan ng driver na isakay ang maleta ko. Pagkatapos ay hindi na kami nagsayang pa ng oras at umalis na. Habang bumabiyah ay hindi ko pa rin mapigilang mapaisip kung sino at anong klaseng lalaki ang kumumbinsi kay mama na magpakasal. Saglit na nawala roon ang pokus ko nang mapansin ko ang pagbabago sa mga dinadaanan namin. Limang taon. Limang taon lang mula nang umalis ako pero kaylaki na ng pinagbago ng kinalakihan kong barangay. Ang dating mga gawa lang sa kahoy na tindahan ay kongkreto na. Ang dating maputik na daan ay sementado na at may mga poste pa ng mga ilaw sa magkabilang gilid. Para akong nasa isang siyudad sa totoo lang. Malayong-malayo ito sa barangay kung saan ako namulat. "Ang daming nagbago rito, 'no?" sabi ko at nang may mapag-usapan naman kami ng driver. Ayoko ng tahimik na biyahe lalo na't kalahating oras din ang layo ng bahay namin. "Nako, sinabi mo pa, ma'am," aniya saka napangiti. "At lahat nang 'to ay dahil kay Gov Romano. Tinupad niya talaga ang pangako niya," dagdag niya pa. Bakas sa mukha niyang masaya siya at proud sa gobernador ng probinsya. Romano. Sila pa rin pala talaga ang may hawak sa probinsyang 'to. Hindi ko alam kung ilang dekada na silang namumuno. Pero wala rin naman akong angal sa kanila dahil maganda naman ang pamamahala nila. Marami pa kaming pinag-usapan. Marami pang ikinuwento ang driver sa akin tungkol sa kung gaano kagaling at ka-responsable ang gobernador ng probinsya, at hindi na ako nag-abalang magtanong pa tungkol do'n kasi kilala ko naman na ang mga Romano. "Pakitabi na lang po," sabi ko nang makita ko ang bahay namin. At hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito. "Bayad po," dagdag ko saka bumaba. Tutulungan pa sana ako ni kuya na bitbitin ang maleta ko, pero tumanggi na ako dahil malapit na lang din naman. Pinagmasdan kong muli ang bahay namin. Ang dating kubo na isang hampas na lang ng hangin ay magigiba na, ngayon ay maayos na't maaliwalas tingnan. May gate na. Sementado na at may pinturang kulay puti at wooden brown. Maayos na rin ang bintana na gawa sa salamin at ang pintong pinasadya naming ipagawa. Maliit pa rin ang bahay namin—may dalawang kwarto, maliit na sala, at saktong kusina. Iyon ay dahil kaming dalawa lang naman kasi ni mama ang titira dito. At isa pa, kapag mas maliit ang bahay ay mas malapit ang mga nakatira dito. Pinalagyan ko lang ng kanya-kanyang banyo sa bawat kwarto, at isang common CR sa may kusina, para hindi na hassle sa amin ni maka. Binuksan ko na ang gate. Hindi na ako nag-abalang kumatok dahil may spare key naman ako na ibinigay sa akin ni mama, at mukhang nasa palengke pa siya at inaasikaso ang tindahan niya. Pagkapasok ko ng bahay ay bumungad sa akin ang maaliwalas at malinis na loob. Kay gaan sa pakiramdam na makita ang lahat ng bunga ng pagod at pagsisikap namin ni mama. Ang dating sira-sirang upuan ay isang sala set na ngayon. May malaking TV na rin kami at hindi na de-antena. May kisame na rin ang bahay kaya hindi na gaanong mainit. Inilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. At hindi ko mapigilang maluha dahil ngayon ko lang nakita nang buo ang bunga ng lahat ng sakripisyo ko at ni mama. Masasabi ko talagang umangat na kami kahit papapano. Kung dati ay gumagapang kami sa hirap, ngayon ay nakatayo na kahit papaano. Nalagpasan na namin ang dagok sa buhay namin. Magaling na si mama at may trabaho na ako. Oras na rin talaga para sumaya naman kami dahil tila buong buhay namin ay puro hirap ang dinanas namin. Salamat sa Diyos. At kay Sebastian na hindi ko na alam kung nasaan na ngayon. He was a big part of this success. Although it wasn't a direct help since may kapalit naman ang ibinigay niyang pera, pero kung hindi ko siya nakilala nang gabing 'yon ay paniguradong iba ang magiging takbo ng buhay namin. Baka wala na nga si mama sa tabi ko, eh. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na magkikita kami para kahit man lang makapagpasalamat ako. Nang matapos akong maglibot ay umupo na muna ako sa may sala saka ko t-in-ext si mama na nakauwi na ako. Tinanong ko rin siya kung anong oras siya makakauwi. Maya-maya pa ay tumawag siya. "Hello, 'ma?" "'Nak, mamayang alas-sais pa ako makakauwi dahil busy sa ang tindahan ngayon. Pero didiretso na ako sa restaurant kung saan natin kikitain ang ipapakilala ko sa 'yo," salubong na sabi niya. "Ite-text ko sa 'yo ang address. Pumunta ka na lang doon nang mga 7:00PM." "Puntahan kita riyan sa palengke," sabi ko. "Tutulong ako, at para makapag-usap na lang din tayo k—" "Huwag na, 'nak. Diyan ka na lang sa bahay," putol niya sa sinasabi ko. "Magpahinga ka muna, dahil alam kong pagod ka sa biyahe. Kumain ka na ba?" "Busog pa ako, 'ma. Magluluto lang ako mamaya kapag nagutom ako," sagot ko. "Sige, 'nak. Magpahinga ka muna. At 'wag mo palang kalimutang magsuot ng casual dress para mamaya," paalala niya saka niya ibinaba ang tawag. Napabuga na lang ako ng hangin saka hinila ang maleta ko papunta sa kwarto ko. Inis man dahil mukhang ayaw niya akong papuntahin sa palengke, pero sinunod ko pa rin ang sinabi niya dahil pagod din talaga ang katawan at isipan ko—sa trabaho at sa pag-iisip kung anong klaseng lalaki ang mapapangasawa ni mama. --- Alas-siete nang gabi. Nakarating ako sa isang gusaling gawa halos sa kulay brown na salamin. Kulay ginto ang mga ilaw sa paligid at silk ang mga telang ginamit sa mga mesa at kurtina. Sosyal. Iyon agad ang pumasok sa isipan ko. Agad akong napatanong: mayaman ba ang mapapangasawa ni mama? Pero posible rin kasi na baka pinaghandaan lang nila ito para sa akin. Bago ako tuluyang pumasok ay pasimple ko munang inayos ang puting dress na suot ko na ilang pulgada ang iksi mula sa tuhod ko. Dala-dala ko ang rose gold purse ko na bumagay sa rose gold kong stilettos. Maayos na naka-bun ang mahabang buhok ko at may iilang hibla lang akong inilugay sa bandang magkabilang tainga ko. Pagkatapos ay huminga ako nang malalim saka pumasok para hanapin sila. Hindi naman ako nahirapan dahil iilan lang ang tao sa loob. 'Di kalayuan ay nakita ko na si mama. Kaharap niya ang isang lalaking nakasuot ng puting long sleeves at itinupi hanggang siko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa direksyon ko. Pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para kasing pamilyar ang pigura niya. Parang nakita ko na siya dati. Nang mapatingin si mama sa gawi ko ay agad siyang kumaway at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Ngumiti lang ako saka lumapit. Sinalubong niya ako nang may matamis na ngiti sa labi niya. "Excited na akong ipakilala ka sa kanya," nakangiting bulong niya saka ako dali-daling dinala sa mesa nila. Uunahan ko na sanang batiin ang mapapangasawa ni mama, pero natuod na lang ako sa kinatatayuan ko at tila binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko. Ang mapapangasawa ni mama... ...ay walang iba kundi ang lalaking nakauna sa akin. Ang lalaking matagal ko nang hinahanap. At 'yon ay walang iba kundi si Sebastian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD