Kabanata 6

1112 Words
5 Years Later Tahnia's Point of View "Good morning, madam," bati ko sa boss ko nang makapasok siya sa opisina. "Good morning, Taffy. What's on my schedule today?" nakangiting sagot niya saka siya naupo sa swivel chair at binuksan ang laptop. "You don't have any appointments in the morning, ma'am. But you have a scheduled meeting with your friend at 12:00," sagot ko habang tinitingnan ang notepad ko. "Thanks," aniya at nagsimula nang magtrabaho. Pumunta na rin ako sa desk ko para simulan ang trabaho ko. Binuksan ko ang computer at tiningnan ang mga documents na kailangan niyang mapirmahan sa araw na ito. At habang ginagawa ko 'yon ay sumaglit muna ako ng tawag kay mama. Halos isang linggo na rin kasi kaming hindi nakakapag-usap dahil naging busy ako sa trabaho. Siya naman ay busy rin sa maliit na pwesto niya sa palengke. Akala ko nga'y hindi siya sasagot, pero laking tuwa ko na sumagot siya. "Ma..." malambing kong bungad. "Kumusta ka?" "Hello, anak..." sagot niya. Rinig ko sa background ang mga customer niya. "Heto, ayos lang naman ako. Medyo busy ang palengke ngayon. Ikaw?" "Okay lang din naman po ako, 'ma. 'Yon nga lang, hindi pa rin po ako makakauwi diyan sa probinsya natin dahil ang daming trabaho. Hindi ako makapag-leave nang matagal," tugon ko. "Kung gusto n'yo po, kayo na lang ang bumiyahe rito. Sagot ko na ang pamasahe n'yo gaya ng dati." "Anak, hindi ko rin maiwan 'tong pwesto. Umuwi ka na lang kasi rito. Dito ka na maghanap ng trabaho." "Ma, alam mo namang hindi ko maiwan-iwan 'tong trabaho ko 'di ba? Hindi ako papakawalan ng boss ko. At bakit ba gustong-gusto mo akong pauwiin diyan?" "Kasi may gusto akong sabihin sa 'yo. At gusto ko sa personal." "Ano ba kasi 'yon?" "Sa personal ko lang sasabihin, 'nak. Sige na at marami pa akong customer," aniya saka ibinaba ang tawag. Napabuga na lang ako ng hangin at hindi napigilang mapaisip kung ano ang gusto niyang sabihin. Gaano ba ito ka-importante at kailangang sa personal pa niya sabihin? Eh, ayoko talaga munang umuwi dahil wala pa akong ipon. Apat na taon na akong hindi nakakauwi sa probinsya namin. Matapos kong gr-um-aduate kasi ay nakipagsapalaran na ako agad sa Maynila. Naghanap na ako ng trabaho. Business Administration ang tinapos kong kurso. Fortunately, natanggap ako sa isang start-up company. Nagsimula ako bilang clerk hanggang sa na-promote at naging secretary ng CEO. Masasabi kong naging maganda ang takbo ng buhay ko. Nabayaran ko na rin ang lahat ng mga utang namin ni mama at nabigyan ko siya ng puhunan para makapagtinda ng karne sa palengke. At sa tuwing gusto ko siyang makasama ay siya ang pinapapunta ko rito sa Maynila. Pero simula nang magkapwesto siya sa palengke ay hindi na rin siya nakakapunta rito dahil nanghihinayang siya sa kikitain niya. Gusto niya raw akong tulungang makapag-ipon at nang makauwi na ako sa probinsya. Hindi ko talaga alam kung bakit gustong-gusto na niya akong umuwi. Ilang buwan na niyang palaging sinasabi sa akin 'yon. Minsan ay minamadali niya pa ako. --- PABAGSAK akong humiga sa aking kama. Pagod na pagod ako dahil nag-overtime na naman kami. May ila-launch kasing campaign ang kompanya at hands-on si madam kaya pati ako ay nadamay. Pero okay lang din naman dahil dagdag sa sweldo. Huminga ako nang malalim saka binuksan ang cellphone ko. Tiningnan ko ang social media accounts ko dahil ilang araw ko na ring hindi ito nabubuksan. Wala rin naman kasi akong pino-post masyado. Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang mga post ng classmates ko noong college, at nang ilang kaibigan ko sa probinsya. Halos lahat sila ay may pamilya na o 'di kaya'y ikinasal na. Pero ako? Hindi pa. Ni hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend ni minsan. May mga sumubok na manligaw, pero hindi ko sila magawang magustuhan. Hindi ko rin alam kung bakit, pero natatakot akong mag-boyfriend. Siguro dahil natatakot ako na baka malaman nilang hindi na ako virgín? O baka masyado lang tumatak sa isipan ko si Sebastianna kahit limang taon na ang nakalipas mula nang gabing nagtagpo ang landas namin, ay hindi ko pa rin siya magawang kalimutan? Alam kong bayad ang gabing 'yon. Pero hindi ko talaga siya maalis sa sistema ko. Siguro ay dahil siya ang nakauna sa akin? Sa totoo lang ay sinubukan ko siyang hanapin sa social media. Pero tanging pangalan niya lang ang alam ko, at hindi ko rin sigurado kung may account ba siya. Ewan ko ba, pero hindi ko siya magawang kalimutan. Pakiramdam ko'y parang kahapon lang may naganap sa amin. May mga pagkakataon pa ngang napapanaginipan ko ang gabing 'yon. Nararamdaman ko ang haplos niya, ang halik niya, ang hagod niya—lahat. Pero kailangan ko na siyang kalimutan. Alam kong nakalimutan na niya ako. Sa loob ng limang taon, posibleng ikinasal na siya at may sarili nang pamilya. Natigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang tumawag si mama. "Anak, umuwi ka na kasi..." bungad niyang sabi. "Ma..." Huminga ako nang malalim. "Bakit n'yo po ba kasi ako pinapauwi? Ano ba talaga ang rason n'yo? Bakit parang gustong-gusto n'yo na akong pabalikin sa probinsya?" "Kasi may kailangan kang malaman." "Kung ngayon n'yo na lang pala sabihin?" saad ko at napabangon na. Sumasakit na ang ulo ko sa stress. "Gusto ko sana sa personal, anak." "Ma naman..." Halata na sa boses ko ang pagkainis. "Anong pagkakaiba ba kung ngayon mo sasabihin?" Hindi siya agad sumagot. Pero matapos ang ilang segundo ay narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Kapag sinabi ko ba rito sa telepono, ay uuwi ka na?" "Ano ba kasi 'yon?" Muli siyang natahimik, na para bang bumibwelo siya kung paano magsasabi. "Ikakasal na ako." Agad na namilog ang mga mata ko. Tila nagising ang buong diwa ko. "Ano?!" "Kaya gusto kong makausap ka sa personal dahil mas maipapaliwanag ko s—" "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may karelasyon ka na, 'ma? Biglaan naman yata 'to!" "Kaya nga gusto kong makausap ka sa personal. Hindi ko masabi sa 'yo sa tawag kasi nahihirapan ako," paliwanag niya. "Ma, hindi ko tutol na makipagrasyon ka," paglilinaw ko. "Ayos lang sa akin 'yon. Maiintindihan ko. Ang sa akin lang, bakit hindi mo sinabing may boyfriend ka na? Bakit ngayon pa na ikakasal ka na?!" "Taffy, anak..." Naihilamos ko ang palad ko saka ako bumuga ng hangin. "Mukhang mapapauwi talaga ako ng probinsya, 'ma. Kakausapin ko 'yang kung sino man 'yang lalaking nakilala mo," nasabi ko na lang saka napailing. Kailangan kong makilala kung sino man ang lalaking 'yon. Hindi ako papayag na kung sino-sino lang ang mapapangasawa niya. Kailangan ko munang masiguro na malinis ang intensyon niya sa nanay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD