Hindi alam ni Luiza kung ilang oras na siyang nakaupo lang sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga tauhan ni Tahmira, at wala na rin siyang balak na alamin pa. She only has one destination, and that is in Lorenzo’s hell. Pero hindi siya natatakot dito. Wala siyang kahit na anong bahid ng takot na nararamdaman para sa sarili niya, pero kanina pa siya kinakain ng takot at pangambang nararamdaman para kay Tahnia. Wala siyang ibang iniisip kundi ang kaligtasan ng kanyang anak. Kaninapa niya gustong kumawala, ngunit mahigpit na nakatali ang kamay at paa niya; nakabusal ang bibig at nakapiring ang mga mata. She could only pray for her daughter’s safety as of now. Pero sisiguraduhin niyang gagawa siya ng paraan para iligtas ang kanyang anak. Sisiguraduhin niyang mul

