Matalim ang mga tinging ipinupukol ni Tahmira kay Tahnia habang nasa hapag sila. Hindi niya nagustuhan ang pagdating nito. Buong akala niya ay nasa kamay na ito ng mga Corvino. Kaya nang malaman niyang titira pa ito sa mansyon ng ama ay ganoon na lang ang inis niya. Hindi nga rin sana niya planong sumabay sa pagkain, pero sinabi ni Lorenzo na kailangang naroon siya. Hindi niya kayang humindi sa ama. Ni minsan ay hindi niya nasubukang sumuway sa mga utos nito dahil gano’n na lang ang takot na nararamdaman niya rito. Kaya kahit halos hindi niya malunok ang pagkain dahil sa matinding galit at pagkamuhing nararamdaman niya sa kanyang kambal at ina, ay pinilit niyang sumabay. “Tahmira,” tawag sa kanya ng kanyang ama. “Occupati di tua madre e di tua sorella. Assicurati che non facciano nessu

