Agresibo, madiskarte at maparaan-iyan ang mga katangiang taglay ni Myca Velarde. She will do anything to achieve her goals to prove something to herself, to her family and to all the people who wronged her. Isang mapait na nakaraan ang nagdulot ng ibayong sakit sa kaniya at nagpabago sa pananaw niya sa buhay kaya naman ginawa niya ang lahat para maging matatag at para hindi na maulit pa ang mga nangyari. She changed from being meek to being bold.
Akala niya ay tuluyan na siyang nakabangon mula sa sugat ng kahapon. Akala niya ay hindi na siya apektado. Akala niya lang pala iyon dahil sa muling pagku-krus ng mga landas nila ng lalaking kaniyang minahal ay ang pagsibol muli ng katotohanang nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon.
Umiwas siya sa abot ng makakaya niya pero lapit naman ng lapit ang talipandas na si Jacques Huan para dugtungan daw nila ang naudlot na kahapon.
Will she give in to him and pick up where they left it off?
Can they promise to fight for their love this time?
Paano kung mabunyag sa lahat ang katotohanang sisira sa kung anuman ang mayroon sila ngayon?
Lalaban pa ba o susuko na?