"A penny for your thoughts?" Ngumiti ako at nilinga si Jacques mula sa passenger's seat. Red light pa kaya nakatigil muna ang kotse. Pauwi na kami mula sa lupain nito na nalaman ko ngayon na nasa Tagaytay lang pala. "We are really going back home," ani ko sa tono na kababakasan ng lungkot at kasiyahan. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan. "Do you want to stay more days in our little cove? We can go back if you want to." Akmang ibabalik nito ang sasakyan nang hinampas ko siya sa braso para pigilan. "Tumigil ka na nga. Hindi naman ako nalulungkot na iiwan na natin ang 'little cove' natin. We can always go back if we want to 'di ba?" Tumango ito saka tinitigan ako nang matiim na para bang binabasa ang nasa isip ko. "Are you having second thoughts in our engagement?" tanong nito sa n