“It will be alright, Cai. I’m here by your side. Hindi kita pababayaan,” masuyong sabi ni Jacques sa akin habang tinatapik nito ang nanlalamig na kamay ko sa braso nito. I gasped for breath to try to calm myself. Kanina pa ako kinakabahan at aligaga magmula nang huminto ang sasakyan sa hotel na pinag-oopisanan ng kapatid ko hanggang sa tumuntong kami dito sa elevator. Sinundo ako kanina nito sa bahay para sabihin na pumayag na ang kapatid ko na makipag-usap sa akin. “I know and I am really thankful for your presence. Mga one over a hundredth ang nawala sa kaba ko.” Tumawa ito sa sinabi ko. “Keep up that smile in your face. Your brother is so happy to hear from me when I asked him if I could arrange a meeting with you. Tito Jet missed you so much. Sa bawat pagkakataon na bumibisita kam