I was eight that time nang mamulat ako sa unusual na setup ng aking mga magulang. Una, hindi magkakasama sa iisang bubong sina mama at daddy. Sa isang apartment kami nakatira ni mama habang sa mansiyon si papa.
Nagkakaroon lang ako ng pagkakataon na makita siya tuwing Sabado. Nagpupunta kami sa mansiyon ng mga Chu at iniiwan ako doon ni mama sa buong maghapon pagkatapos ay susunduin naman kinagabihan.
Napapansin ko na noon pa ang malamig na pakikitungo ng pamilya ni Daddy at ni Daddy mismo kay mama pero hindi ko na lang binibigyang-pansin dahil mas nakapokus ako sa bagong tuklas na mundo.
May ama pala ako. Sa wakas hindi na ako matutukso ng mga kaklase ko na putok sa buho, na kesyo wala daw akong tatay.
Maipagmamayabang ko na rin sa kanila na hindi basta-basta ang ama ko. Na mayaman ito.
Walang pagsidlan ang tuwa ko nun kapag nakikita ko na ang mansiyon. Nandoon kasi ang lahat ng bagay na wala ako. Magarang bahay, masasarap na pagkain na hindi ko pa natitikman, swimming pool, maraming laruan at siyempre nandoon si Daddy.
Hindi naman kami mahirap. In fact, napo-provide naman ni mama lahat ng pangangailangan ko at higit pa pero sadya sigurong hindi ako marunong makontento that time. Tao lang. Bata lang na naghahangad ng mas magagandang bagay. Hinihiling ko na nga kay mommy na sa mansiyon na lang kami tumira pero sinasabi niyang hindi pwede. Komplikado daw. Hindi ko pa raw kayang intindihin ito dahil bata pa ako.
Doon ko lang lubusang naintindihan ang ibig niyang sabihin nang tumuntong ako sa edad na sampu. Nalaman ko mula kay mama na aksidente lang pala ang pagkakabuo sa akin. Lasing lang daw silang dalawa nun. Nagkayayaan lang daw ang team nila na uminom. One thing then led to another. One night stand kumbaga. Pero inamin naman ni mama sa akin na noon pa man ay may pagtingin na siya kay papa dangan nga lamang at alam niyang alangan siya para kay Daddy.
Ulilang lubos na si mama na kinupkop ng mga madre sa isang orphanage. Dahil likas na matalino,
natanggap siya bilang scholar ng Royal Hotel Residences na noon ay pinamamahalaan pa ng yumao kong lolo na ama ni daddy.
Nang makatapos ng kolehiyo ay doon na rin nag-apply si mama bilang isa sa mga accountant ng kompanya. Dahil na rin sa angking sipag at talino ay madaling na-promote si mama bilang head accountant.
My late grandfather was so fond of my mother. He even appointed her to an executive position na dagli rin namang binawi sa kaniya nang mamatay ang lolo.
Naiinggit at nagseselos ang karamihan sa mga kamag-anak ni lolo na layong makuha ang parehong atensiyon ng CEO kaya ng mamatay ito at maluklok sa posisyon ang aking ama tuluyan na nilang napatalsik ang aking ina.
Balik uli sa pagiging ordinary accountant si mama. Inamin niya sa akin na makailang beses nang sumagi sa kaniyang isip na mag-resign na lang at humanap ng ibang employer but she is always stopped by the memories of my grandfather. My mother already promised her loyalty to the company kahit sino pa man ang maupo sa puwesto bilang pagtanaw ng utang na loob kay lolo.
Ibinigay niya ang lahat sa kompanya.
Lahat ng pwedeng ma-offer niya even to the point of not getting the credits for a project ay ginawa niya. Wala daw siyang pakialam kung hindi man siya ma-recognize. Ang importante ay ang tuluyang paglago ng kompanya para marami pa itong ma-employ na mga empleyado.
That has always been the vision of my lolo and she will gladly help it in any way she can.
Nang malaman niyang ipinagbubuntis niya ako ay nabuhayan daw siya ng loob na matugunan din ang damdamin na kay tagal niyang itinago. But instead of offering marriage, my father insisted on getting my custody. Of course tumanggi si mama na naging dahilan ng kung anumang set-up namin ngayon.
Hindi ko alam ang nangyari kung bakit nabuo pa si Mike. Ayaw na ring ikwento ni mama ang parteng iyon. Basta na lang kami nagalsa-balutan sa apartment na aming tinitirhan at lumipat sa mansiyon nila Daddy.
Akala ko magiging totoong pamilya na kami. Akala ko dahil magkakasama na kami sa iisang bahay ay magigiging maayos na ang relasyon ng lahat. Pero mas lumala lang. I still felt invisible. Dinadaan-daanan lang kami ng mga kamag-anakan ni Daddy na para bang hindi nila kami nakikita, na para bang hindi kami nag-e-exist.
Kibuin-dili pa rin ni Daddy si mama. Ginagawa naman ni mama ang lahat upang kahit papaano ay mapansin siya pero wala pa rin. Nag-uusap lang sila tungkol sa trabaho. Other than that, wala na talaga. Separate din ang kanilang tulugan.
Ako naman bilang anak na gustung-gusto na maging normal kaming pamilya, I did my best para paluguran si Daddy. Alam ko naman nung una na wala talaga siyang ka-amor amor sa akin. Na parang napipilitan lang siyang pakiharapan ako. Siguro dahil hindi niya matanggap na may anak na siya o dahil ba hindi niya gusto ang mama ko? Either way, I still persevered.
Hindi ko na lang iniisip ang mga bagay na iyan noon. Busy kasi ako sa pagpapatunay na karapat-dapat akong tawagin na Chu. One time I asked him kung kailan ba niya papalitan ang apelyido ko sa birth certificate but he just said those words I can never forget.
"Hindi porket kadugo kita at ama mo ako ay eligible ka na sa pangalang Chu. It is not a privilege. You have to earn it."
And so I did. Or at least I tried. For several years until that day when everything fell apart ay ginawa ko ang lahat para mapalapit ako sa kaniya. Araw-araw, nagboboluntaryo ako sa pagdadala ng mga papeles sa kompanya. After class ay nagpupunta ako sa opisina ni Daddy para maging errand girl niya but as always, he just dismissed me. He doesn't talk to me. He doesn't see my efforts.
I persisted in going to company every single day kahit halos ipagtabuyan na niya ako. Because I have another reason for going so. Because I met Jacques there.
Nang isilang si Mike ay biglang nagbago si Daddy. Kinakausap na niya si mama pati na rin ako. Swerte daw kasi si Mike dahil lalaki. Conservative pa rin kasi ang pananaw ng mga Chinese families tulad ng mga Chu tungkol dito.
Sumagi sa isip ko noon na ah, kaya siguro hindi niya ako masyadong gusto kasi babae ako pero ngayong nandito na si Mike, nabuhayan ako ng pag-asa na magbabago na ang pakikitungo ni Daddy sa amin lalong-lalo na kay mama.
Mas pinag-igihan ko pa ang pag-aaral. Gusto kong maging proud na siya sa akin. Gusto kong ma-earn ang pagiging Chu. Hindi ko na siya kinulit noon na palitan ang apelyido ko. Gusto kong kusa niyang gawin iyon dahil nakita niyang karapat-dapat ako at hindi dahil pinilit ko lang siya.
Nagbunga din naman ang aming paghihirap ni mama. Makalipas ang limang taon ay pinakasalan niya si mama. Iyon na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko, ang makita ko silang dalawa sa altar na magkasama at nagpapalitan ng vows. Di bale nang inabot ng ilang taon. Okay lang iyon. Ang mahalaga ay sa simbahan pa rin sila nagtapos.
Hangang-hanga ako kay mama dahil hindi niya talaga sinukuan si Daddy. Naghintay siya ng tamang panahon para sa kanilang dalawa. Hindi siya sumuko. Ang nagagawa nga naman ng tunay na pag-ibig. And just like any other typical girl who saw their parents sealed their fate, nangarap din ako noon na sana ay balang-araw ay hahantong din kami sa kasalan ni Jacques.
That's how naive I was back then.
Pero ang lahat ng iyon ay gumuho nang iwan niya ako. It was a mutual break-up but I was still left on the edge without assurance. Naghintay ng naghintay hanggang dumating ako sa realization na hindi ko na kaya. Nakakasawa rin pala ang laging mag-abang sa cellphone para hintayin kung kailan siya magpaparamdam. Nakakatanga. Nakakawala ng confidence. Sa kakaantay mo sa kaniya, hindi mo alam na napag-iiwanan ka na ng panahon. Sa kakaisip mo sa kaniya araw-araw, napapabayaan mo na ang sarili mo.
Nakakalimutan mo na ang mga pangarap mo dahil siya na ang numero unong pinapangarap mo.
Okay lang iyon, sabi ko sa sarili noong unang mga buwan kahit nginangatngat na ako ng katotohanan dahil sa mga nakita ko.
I knew he went away for his dreams. He'll be back. Tanggap mo dapat na hindi ikaw ang palaging sentro ng kaniyang mundo, na he also has a life outside of your relationship. Love is a give and take commitment. Hindi pwedeng ikaw lang ang masaya. Consider his feelings too. Alam ko iyan lahat. Totoo iyan at bukas ang isipan ko sa bagay na iyan. Ang hindi ko lang matanggap noon ay ang tuluyan niyang paglimot sa akin.
I still expected his calls because he promised me. I still clung to his words despite what was glaringly true. I still believed we could still make it.
Pero sa kada araw na dumadaan na wala ni isang mensahe mula sa kaniya, sa kada attempt ko na tawagan siya na palaging napupunta sa answering machine, unti-unti nang natitibag ang marupok na pag-asa na pilit kong pinanghahawakan.
Sabagay, bakit ka pa mag-eefort na tawagan ang nasa malayo kung meron namang taong nasa malapit na handang punan ang puwesto mo 'di ba? Bakit nga naman magpapahirap ka pa kung may reserba naman na handang pumalit agad?
Ilang buwan pa lang na kami noon ni Jacques nang dumating sa buhay namin sina Angelie at Deniece. Bagong secretary siya ni Daddy at scholar naman sa foundation ng company si Deniece. Ewan ko kung ako lang ba ang nakakapansin na parang may iba sa kanilang dalawa. Ang mga tagong tinginan, hawakan, at usapan habang gumagawa ng kape si Angelie para kay Daddy. Hindi ko na lang masyadong pinagtutuunan ng pansin dahil busy din naman ako sa opisina.
Self-proclaimed na assistant ako ni Daddy. Kinulit at kinulit ko talaga siya hanggang sa pumayag na tumulong ako kahit sa pag-print man lang ng mga papers at pag-deliver nito sa ibang departments. May messenger naman pero inako ko na talaga ang pagdadala nito. That's how persistent I am to prove myself. Gusto ko rin naman ang magpalaboy-laboy sa premises ng company lalung-lalo na sa HR department kasi nakikita ko dun palagi si Jacques. As the sole son of the other half of the company, Jacques is already undergoing a training.
But Deniece barged into my little world. Nagulat pa ako noon nang makita ko siya sa loob ng opisina ni Daddy talking with him animatedly. Walang katumbas na inggit ang naramdaman ko nun nang masaksihan ko kung gaano na siya kalapit kay Daddy. Never in my entire life na naranasan kong kausapin ako ni Daddy nang kagaya nang ginagawa niyang pakikipag-usap kay Deniece. It was heartbreaking but I just set it aside. I keep on telling myself that if Daddy will see through my efforts then he'll also be proud of me. That he'll also talk to me the way he does with Angelie and Deniece.
But for the nth time, he always proves me wrong. And for the same exact reason, I just keep on wishing that he'll spare me some glance and noticed his other child doing everything she can to fit the shoes he so badly wants her to wear.
But waiting for something impossible to happen is just like waiting in vain. The girl got tired from all the waiting and decided to just grow and be herself. She built a wall no one will dare to climb. She piled the stones thrown at her and made a full house out of it and made sure to lock it from the inside.
The girl is me who transformed into a woman. She is the stronger version of the helpless girl who only wants the approval from her dad.
The woman now won't let anyone near her abode no matter how persistent one can be.
Sa tuluyang paglayo namin pagkatapos ng mga nangyari, natutunan ko ang ibig sabihin ng pagiging matapang. I stopped crying and wishing to receive love from the people I once put into pedestal.
I grew into someone who's hardened by what I went through in life.