Kabanata 36.. Text Message From Jeo.. "Subukan mo Moreen! Subukan mo, dahil mag aaway tayo!" At binuksan pa ang isang text ni Jeo. "Lalayo kami, huwag kang mag alala! Moreen. Hindi mangyayare 'yung iniisip mo." Napa isip si Red sa mga text na nabasa niya sa selpon ni Moreen. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng mga iyon, at natanong din niya sa sarili kung alam naba nito na nawawala si Izabel? At anong ibig sabihin din ng "Lalayo kami?" Nagngitngit ang mga ngipin niya sa namumuo sa isip. At hindi niya namalayang nagkakandaripas si Moreen sa paglapit sa kaniya habang hawak niya ang selpon. At ng makalapit ito mabilis nitong hinablot ang selpong na nasa kamay niya. "Honey bakit pinapakielamanan mo 'yung selpon ko?" inis na sabi niya sa nobyo, at kumakabog ang di

