Kabanata 37.. "Hating gabi na, may balak kapa yatang pumunta don? Sobrang pagtulong na yata 'yan Red, sa dis oras ng pag tulog natin kaylangan mo pang pumunta don? Hindi ba puwedeng ipagpabukas na lang?" naiinis na anas ni Moreen, at may pagkatakot na nababalot sa mukha ng makitang gumagayak si Red para pumunta ng headquarter ng pulis. "Kaylangan Moreen, kase natatakot 'yung nakakita, kaya ganitong oras puwede siyang maka usap. Siguro nag iingat din 'yung tao, na ayaw madamay." malumanay namang sagot ni Red para maintindihan ng nobya. "Hhm! Sasama ako!" sabay tindig nito sa harapan ng nobyo. "No! Dito ka lang, delikado Moreen! Sandali lang naman ako. Promise once na nakausap na namin itong tao, kaagad din uuwi ako." Napa isip si Moreen. Bakit pa nga ba siya sasama? Na puwede naman

