PINAGHALONG kaba, nerbyos at pananabik ang nararamdaman ko habang nasa byahe kami ng mga kapatid daw ni Dale. Kumakalabog ang dibdib ko kahit ang aking mga mata'y nakapahinga lamang sa mga matataas na punong nadaraan namin. Ni hindi ko maramdaman ang antok dahil sa dampi ng aircon sa kanilang sasakyan. “Ate Jam mas mabuti yatang matulog ka muna. Mahabahaba pa ang byahe natin pa-maynila niyan. Tinext ko na si Kuya na kasama ka na namin.” Aubrey worriedly said. Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. Bumuntong hininga ako bago dahan-dahang sumandal sa upuan. Nakatingin pa rin ako sa bintana. Para akong naiiyak sa kaba. Knowing that I am going to see him excites my whole being. And He’s in Manila. Iyan ang sagot kung bakit hindi siya umuuwi sa bahay niya. Kapag nagkita na kami, all I wa