HINDI agad sumagot si Esmeralda, bahagya pa itong tumawa. “Ilagay mo sa bilao ‘yang popo mo. Ibilad natin sa init para matuyo!” pasigaw na turan niya sa binata na nasa loob pa rin ng banyo. “May sayad ka rin pala!” pahayag si Darwin, tawang-tawa ito sa kalokohan ni Esmeralda. Dahil masama ang pakiramdam ni Darwin, napilitan sila na bumaba ng siyudad nang maaga, upang makapunta sa hospital si Darwin. Hindi na sila nagpaalam sa tiyahin, sapagkat masyado pang maaga siguradong tulog pa ang mga ito. Hindi agad sila dumeretso sa condo, dumaan muna sila sa hospital. SUMAPIT ang ika-labing-walo n kaarawan ni Esmeralda, sa araw na iyon ay nasa unibersidad siya. Walang nakakaalam sa mga kaklase niya na kaarawan niya. Ang oras na labas niya ay alas-kwatro ng hapon. Medyo malungkot si Esmeral