NAKAHINGA nang maluwag si Esmeralda, sapagkat nakita niya sa mukha ni Haruka na, naniniwala ito na wala silang relasyon ng ninong niya. “Okay ka lang?” paanas na tanong ni Darwin sa kanya, at hinawakan nito ang mga palad. Hindi sumagot si Esmeralda, bagkus bahagya siyang umiling. “Huwag kang mag-alala, nandito ako. Basta i-enjoy mo lang ang mahalagang araw sa buhay mo,” pahayag ni Darwin. Habang si Tiago, nagtitimpi sa nararamdaman niya. Halos sasabog na siya sa sobrang selos. Bagama't wala siyang magawa sapagkat nasa tabi niya ang asawa. Hanggang sa tinawag ni Darwin ang waiter, at sinabi niya dito na i-serve ang cake. Agad sumunod ang waiter, at wala pang limang minuto, nakabalik ang waiter na bitbit ang cake para kay Esmeralda. Nagulat ang dalaga nang biglang may kumanta sa l