HINAWAKAN ni Darwin ang pisngi niya atsaka ito nagsalita. “Kailangan mong magpahinga nang maaga ngayong gabi, at bukas sasamahan kita sa hospital,” mahinahon na paliwanag ni Darwin. “Pero bakit nga? May sakit ba ako?” pag-alala na tanong ni Esmeralda. “Wala naman. Pero sabi nila, baka buntis ka,” kalmado pa rin niyang tugon. “A-ano?!” Halos matumba si Esmeralda sa pagkabigla. Buti na lamang ay maagap siyang nahawakan ni Darwin. Pakiramdam ni Esmeralda nang sandaling iyon ay gumuhong bigla ang pangarap niya. Bigla siyang umiyak sa balikat ni Darwin, na tila naghahanap ng kakampi. “Shhh… huwag kang umiiyak, huminahon ka.” Pilit siyang pinakalma ni Darwin, at pinunasan nito ang mga luha ng nobya. “Tayo na. Ihatid mo na ako,” malungkot na turan ni Esmeralda, na para bang dismayad