DAHIL sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay hindi na ako pumasok pa sa school at nanatili na lang sa loob ng kuwarto ko; masakit ang ulo ko at napakainit ng buong katawan ko, siguro ay dahil sa ulan kagabi. Pinagluto naman ako ni Kuya Daniel at pinakain bago pinainom ng gamot. Hindi na ito pumasok pa sa kanyang trabaho at sinamahan na lang ako sa kanyang bahay. Pero kahit gaano pa kasama ang pakiramdam ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang isipin si Vince. Parang gusto ko siyang tawagan at magpaliwanag, pakiramdam ko kasi ay parang may kasalanan ako at dapat akong magpaliwanag sa kanya dahil mali ang iniisip niya tungkol sa amin ni Kuya Daniel. Pero hindi eh, dahil tuwing pumapasok sa isip ko ang babae niya ay sumasama ang loob ko. Nangitngit ako sa sobrang selos. Tumawag sa kanya ng hatingg