Binuhat ni Kuya Daniel si Vince papasok ng mansyon at inihiga sa couch na nasa living room. “Kuya Dan, ano po kaya ang nangyari sa kanya? Mas mabuti sigurong dalhin na natin siya sa ospital?” “Tsk. Lasing lang 'yan, nakatulog lang dahil sa sobrang kalasingan. Tingnan mo, humihilik na.” Kumunot naman ang noo ko at agad na yumuko, nilapit ko ang mukha ko kay Vince at pinakinggan kung totoo bang humihilik na. And damn it's true, malalim na nga ang paghinga nito at mahinang humihilik. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag, dahil talaga nag-alala ako ng sobra. Gayunpaman ay hindi ko pa rin mapigilan ang mapasimagot. “Iinom-inom ka pero hindi mo naman pala kaya ang sarili mo!” Inis kong hinampas ang braso nito. Pero talagang hindi na nakamalay pa sa kalasingan, kahit siguro sakalin ay