=LYRA= NAIINIS ako sa lalaking yon hindi ba niya alam na siya ang priority ko? Naipon na nga ang mga pasalubong ko sa kanya mula pa noong unang uwi ko. Tapos hindi man lang niya ma-appreciate huh! Hindi ko talaga siya papansin mula ngayon. Kahit mahal ko pa siya ay dapat niyang maramdaman na sinasayang niya panahon para sa amin. “Dra. Jacinto?” Hindi ko siya pinapansin at tinalikuran ko pa talaga siya. At naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso. Kaya napahinto ako sa tangkang pag-alis. Akala yata ng lalaking ito ay hindi ko siya kayang titiisin. Kahit ang totoo ay malapit na akong bumigay. Bwesit talaga itong puso ko mas gustong manaig kisa sa aking isipan huh! “Lyra!” nang marinig kong tinawag ako sa pangalan ko ay bigla akong humarap sa kanya. “Yes, Aljon?” pinalambing ko pa