=ALJON= KASALUKUYAN akong nasa parking ng may tumawag sa akin. At nang lumingon ako ay isang babae ang nakatayo sa ‘di kalayuan. Saka ko lang siya nakilala ng alisin niya ang suot na Shades. “Dra. Lyra?” Habang alanganin kong tanong sa kanya. Baka kasi kamukha lang siya pero ng maalala ko ang babaeng unang nakasampal sa akin. Noong college kami ay nakakasiguro akong siya nga ito. At akmang magtatanong pa ako ng nagpasya na lang magpaalam. “Paano mauna na ako sayo….” Subalit naputol ang sasabihin ko ng biglang sumara ang aking labi. At sa pagkabigla ay hindi ako nakagalaw. Bigla din ang init na gumapang sa aking kalamnan. Ang mabangong hininga niya ay gumising sa natutulog kong pagnanasa. At namalayan ko na lamang na nakapulupot na ang magkabilang braso ko sa kanyang katawan. Gano’n din