=ELLENA= TUMAYO na ako mula sa aking upuan dahil oras na ng uwian. Dadaan pa ako sa supermarket upang ibili ng prutas at gatas si Papa. Sinulyapan ko si Sir Loki upang magpaalam na dahil parang walang planong umuwi. Ngunit nakita kong bigla din siyang tumayo. Mabilis na hinagilap ang kanyang coat at parang wala pa yatang plano na isara ang kanyang laptop. Kaya lumapit ako sa table niya at ni-log out iyon. “Mauna na ako sa iyo Sir Loki.” “Aba hindi, ihahatid kita kanina pa kaya ako naghihintay na tumayo ka riyan.” Tumahimik na lang ako dahil wala din magagawa ang pagtanggi ko. Nang lumabas ako ng pinto ay kasunod din siya. At pagdaan namin sa karamihan ng mga empleyado ay hinawakan na naman niya ako sa kamay. “Sir Loki, nasa loob pa tayo ng company. Ano na lang ang iisipin nila sa akin