=LOKI= NARITO ako sa isang bar dahil advance birthday daw naming apat sabi ni Logan. Dito mismo sa bar ng kaibigan niya na lately napag-alaman naming pagmamay-ari naman pala ng kakambal ko. Hindi ako masyadong umiinom ng alak. Pero mahilig akong maki-bonding sa tropa at mga kapatid ko. Sa aming apat ay si Ate Sungit ang mahilig uminom at si Loiz. Kami ni Logan ay hindi masyado. Hindi ako mapalagay dahil gusto ko ng umuwi upang makausap ko si Ella kahit sa video call. Magmula ng itinakda ang aming kasal ay hindi ko na siya masyadong kinukulit. Hinihayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin. Lalo na kapag weekend. Kasi kapag working days naman ay araw-araw kaming magkasama. Kaya ngayon ay buong araw ko na siyang hindi nakikita. Tapos narito pa ako ngayong gabi sa party. Sabado ngayon at nari