=LOKI= SUNDAY, at kagaya kahapon ay bumalik ako sa bahay ni Ella. Ngunit ang sabi ng ama niya ay tulog daw ito dahil umaga na nakabalik ng bahay. Saan naman kaya nagpunta ang babaeng yon at ano naman kaya ang part time niya? “Master Loki, hindi ka ba papasok sa bahay nila?” “Nakakahiya na baka kung anong isipin ang ama niya. Kahapon ay naroon ako hanggang gabi tapos ngayon heto na naman ako.” “Paano mo siya makikita at makakausap? Bukas busy ka na naman sa opisina mo.” “Kaya nga eh, pero ‘di bali at babalik tayo mamayang hapon siguro naman ay gising na siya. Saka linggo ngayon baka hindi siya aalis ng bahay.” “So, aalis na ba tayo?” “Yeah, sa penthouse mo ako ihatid tapos babalik tayo dito ng mga five in the afternoon.” “Okay, Master Loki.” Bago kami umalis ay minsan pang lumingon