=ELLENA= NINE in the evening na ay nasa kalye pa rin ako. At dahil Sunday bukas ay bakante ang sasakyang minamaneho ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ko ihahatid ang babaeng ito. Kanina pa kami sa daan at hanggang ngayon hindi pa rin nakakarating sa patutunguhan. Gusto ko nang magalit ngunit hindi ko naman magawa dahil customer pa rin siya. Lugi na naman ako sa gabing ito, sayang ang dollar na kikitain ko sa live show. Pero wala naman akong magawa, alangan naman pababain ko siya sa gilid ng daan. “Ma’am, ipapaalam ko lang po na ubos na ang aking gasolina sa layo ng ating pupuntahan.” “I’m so sorry mag-load ka na lang ulit sa dadaanan nating gasoline station. Here my card yan na ang gamitin mo.” Gusto kong mapataas ang kilay nang makita ko yon pagkatapos kong sindihan ang ilaw. Black