=LOGAN= HINDI ko inaasahan na magkikita kami ni Sophia Jeianne sa mismong loob pa ng boutique. Kaya naman ay sabik ko siyang niyakap. Nasa high school kami ng huling magkita, at nang maka graduate ay ibang school na siya nagpatuloy ng pag aaral. "Anong ginagawa mo rito at sinong kasama mo?" Si Virgo, ayon ang tarantado at may ginawa na namang kalokohan kaya si Daddy ay nagagalit sa kanya. At kaya naririto siya ay upang makaiwas kay Mommy." "Bakit anong kalokohan ang kinasangkutan niya?" "As usual babae, may bago ba sa pamilya Montemayor?" "... Let's go para makapag bonding naman tayo." "Wait kang at may kasama ako, dito muna kayo at pupuntahan ko lang doon sa fitting room." "Kung ang pupuntahan mo ay si Ms. Jeanne, ayon kanina pa umalis." "Anong sinasabi mo Loki, at bakit pala nar