=LOGAN= KUYOM ang kamao ko sa aking nalaman mula sa bibig ni Julia. Talagang hindi tumupad sa usapan itong si Jimmy. Ngayon ay makikita niya kung ano ang kapalit ng kanilang ginawa ni Dahlia. Tinawagan ko ang branch ng SA-Agencia dito sa US. Ibinigay ko ang kopya ng s*x scandal naming ni Julia kay Kuya Drei. Gano’n din ang usb na naglalaman ng video, ang sabwatan ni Jimmy at Dahlia. At sinabi kong sa araw ng competitions ay hulihin nila si Jimmy. Pagkatapos ay ikalat sa social media ang video na sabwatan nilang dalawa. Ayaw nilang tumigil pwes ibibigay ko ang kanilang kailangan. Upang tuluyang hindi na makapaglaro ang Dahlia Jimenez na yon. “Logan, kanina ka pa naririyan sino ba ang kausap mo?” Kararating lang namin dito sa apartment niya ng 5-AM at kanina pa ako naririto sa veranda.