JAM POV. NANG matanggap ko ang mensahe ng aking kapatid ay alam kong darating ang aking asawa sa corporation. Inaasahan ko na rin ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako doon. Kaya ng sampalin niya ako sa harapan ng maraming tao ay hindi ako nag-react. Bagkus ay lumapit ako sa kanya at yumakap upang sabihin ang aking nasa loob. Expected ko na rin na hindi siya maniniwala kaya hinayaan ko na lamang siya. Ngunit wala sa isipan ko ang pabayaan siyang mag-isa sa laban na yon. At kagaya ng aking pangako poprotektahan ko siya hanggang sa huli. Matapos ang mga iniwan niyang salita sa ilang mga taong naroroon ay tinapos agad ang meeting. Pagkatapos ay tumayo at tuloy tuloy na lumabas. Ako naman ay nakasunod lang sa kanyang likuran. “Well… well… well, naririto pala ang prinsesa ng yum