Hula ni Bendita ay makakarating agad sa pamilya niya ang nangyari sa may complex. Namasahe na lang niya ang kanyang ulo at sigurado siyang ibang chismis na naman ang kakalat sa mga tao. Ewan na lang talaga niya kung ano na naman ang sasabihin ng iba. Wala na rin naman siyang pakialam sa totoo lang. Nang makauwi siya ng bahay nila ay saktong nandoon ang kanyang mama. "Oh, anak, hindi mo ba kasama sina Lena at Mario?" salubong pa nito sa kanya. Bahagya siyang napatigil at napatingin sa ina. Alam ba nito ang tungkol sa contest na iyon? "Alam niyo pong kasama ko sila?" tanong niya pa. Kumunot ang noo ng ina niya at tila ba naguguluhan din sa kanyang sinasabi. "Oo, ang sabi ay may lakad daw kayo? Ang aga niyong umuwi, a," sabi pa nito bago tumalikod sa kanya para ilagay ang mga pinamili