"Nag-aalala na talaga ako sa kanya, Martin." "Ako rin naman, Mirna, pero hindi mo naman kasi mapipilit si Bendita na magsalita. Alam mo naman iyang batang iyan, diba?" "Kahit na, hindi niya ba tayo pinagkakatiwalaan? Nakakaano na rin naman kasi, Martin. Parang hindi niya naman ako pinagkakatiwalaan, e. Nakakasakit lang din ng damdamin. Ayoko nang makita siya nang ganoon! Ayokong ganito. Hindi naman ganyan iyang batang iyan, e! Naging ganyan lang naman iyan simula noong bumalik iyan galing Manila! Hindi ko na naiintindihan ang batang iyan, Martin! Ina ako at nag-aalala rin naman ako!" "Oh, tama na. Tama na iyan at ang puso mo naman, mahal. Ano ka ba naman. Oh siya, siya, kakausapin natin siya ulit. Kaya lang baka ganoon din ang maging reaksyon niya. Pwede bang palipasin muna natin kahi