“Ma! Pa!” Halos pumutok na ang litid ni Bendita sa sigaw na iyon. "Oh? Bakit ka ba kasi sumisigaw?" takang tanong ng ina niya sa kanya nang makasalubong niya ito sa bakuran nila. Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa kanyang labi habang ang kanyang ina at kunot na kunot ang noo sa kanya. “Ma! Oh my gosh, Ma!” tili niya pa at hindi mapakaling niyakap ang ina. Hind na niya napigil ang excitement at talagang napatalon pa siya. Napatalon na rin tuloy ang ina niya. “Teka nga, teka!” ani ng ina niya at kumalas sa yakap. Abot-tenga pa rin ang ngisi niya. Abot-abot ang kabang kanyang nararamdaman dahil sa sobrang kasiyahan. Kinagat niya ang labi. “Ma, nilapitan ako ni Sir RA kanina. Ang sabi niya gusto niya raw akong i-scout! Ma, dadalhin niya raw ako sa Manila!” excited na sabi niya pa. N