“Ito na iyon! Ito na talaga, sis!” Ramdam ni Bendita ang pangingilid ng kanyang mga luha habang nakatingin sa dalawa niyang kaibigan na mangiyak-ngiyak na rin. Lumabi pa si Lena sa kanya at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay. Natatawa na rin tuloy siya habang nakatitig sa kaibigan. “Grabe,mas naiiyak ka pa sa akin, e,” puna niya rito. Mas lalong lumabi si Lena at tuluyan nang umiyak. “Uy! Ano ba iyan!” aniya at niyakap na ang babae. Naramdaman niya pa ang mahigpit na pagyakap nito sa kanya. “Ay nakakaloka, Lena, ang drama queen mo bakla!” komento ni Mario sa tabi nila. Binalingan niya pa ito at nakita niya ang pag-ismid nito pero halata rin namang mangiyak-ngiyak na. Kinagat niya ang labi at iniuumang ang kamay niya kay Mario. “Halika na!” sabi niya pa. Agad na lumapit din ito