Nakangising pinagmasdan ni Zascha si Zeron na naghihiwa ng steak niya. Pumangalumbaba siya sa rito. Kanina pa sila tahimik. Nagbi-busy-busy-han lang ito sa paghihiwa ng steak. Siya naman ay hindi alam ang sasabihin. Para tuloy silang mga tanga na nasa first date. Natapos na ito sa paghiwa kaya binigay na nito iyong plato sa kanya. Inasikaso naman nito ang steak nito. Ngumuso siya at tinusok ng tinidor ang kanyang steak. "You said you don't do dates," sabi niya at isinubo ang nasa tinidor niya. Nag-angat ng tingin si Zeron sa kanya. Sandali itong natigilan at napatitig sa kanya. Nagkibit-balikat ito. "Akala ko rin. Then..." Sandali itong tumigil at saka bumuntong-hininga. "Then you came, hotbabe…" Nagkatitigan sila. Umawang ang kanyang labi nang maramdamang naghaharumentado na