"Morning." Naalimpungatan si Zascha nang may maramdaman siyang humahalik sa kanyang pisngi hanggang sa kanyang leeg. Kumunot ang kanyang noo at bahagya siyang napabangon. Agad niyang naitakip ang kanyang isang kamay sa kanyang mga mata nang mataamaan siya ng sikat ng araw. She groaned and slowly sat on the bed. Kusot kusot niya pa rin ang kanyang mga mata. Naramdaman niyang may umupo sa kanyang tabi. "Good morning, hotbabe," paos na sambit nito. Bumuntong-hininga siya at agad na tinakpan ang kanyang bibig. "Hey, you're here," sabi niya at humikab. Zeron chuckled. Humikab ulit siya at saka isinandal ang kanyang ulo sa headboard ng kama. "Where are we going?" pupungas pungas na tanong niya. Ngumisi lang ito. "We're going to check the whole island today. We'll also be go