Abala si Zascha sa pag-iisip ng kanyang next move. Nag-okay na si Mr. Tan sa ni-set niyang meeting pero kailangan niya pang ipaalam iyon kay Zeron. Napatanga siya sa kanyang laptop. Biglang sumagi sa kanyang isip ang pinag-usapan nila ni Suzy kahapon. Tumaas ang kilay at agad na nag-search. 'How to make a guy fall in love.' She scrolled through the net. Eye contact Hangout Laugh with them Feed them Be confident She smirked. "Ganito lang pala iyon? That's pretty easy." Napailing siya at nagpatuloy sa pag-scroll. She's a no boyfriend since birth because she doesn't believe in commitment. Hindi pa rin siya na-iinlove. Di niya akalaing ganoon lang pala iyon? Though hindi naman siya uto uto para maniwala agad na 100 % ang epekto ng mga sinasabi sa internet. Still, kung ganoon lan