Wala sa mood si Zascha nang pumunta sa opisina ng mga Fortejo. Bakit hindi? Alam na niyang masasabon siya ngayon. Lady Addelaide just arrived yesterday at nakarating lang naman dito ang ginawang katarantaduhan ng apo nito. Bukod sa board meeting na inindian nito, may isa pang meeting na hindi ito dinaluhan! At client meeting pa! They lost a client! That's the point! At bwisit na bwisiy si Zascha ngayon. Gustong gusto niyang sabunutan si Zeron nang magtanda. "Miss Montecarlos nasa conference room na po sina Lady Addelaide at Sir Zeron." Pinilit niyang wag umirap sa sinabi ng secretary ni Lady Addelaide. Hindi niya alam kung anong magagawa niya sa paghaharap nila ni Zeron. Huminga siya nang malalim at binuksan ang pinto ng conference room. Doon niya naabutan si Zeron na naka-dekwatro ng