"Kain nang kain, kids ha,"ani ng mayordoma nila habang pinagsisilbihan sila sa lamesa. Lumunok si Zascha. Nakatingin lang siya sa anak na ganadong ganado sa pagkain. Zachi giggled and grinned at her father. Sobrang saya lang nito na katabi at kasama nila ang ama nito sa dinner. Ramdam na ramdam niya ang mga titig ng kanyang kuya. Wala na silang nagawa nang mag-request ito kung pwede raw bang sumama si Zeron sa dinner nila. Bumuntong-hininga siya at kumain na rin. "Zachi, finish your food, okay?" paalala niya sa anak. Ngumiti ito sa kanya. "Yes po!" Binalingan nito si Zeron. "Ikaw rin po, daddy, eat ka po!" Zachi giggled. Zeron grinned at her daughter and tousled Zachi's hair." "Sure, baby." Tumawa ito. Her daughter chuckled. Napaiwas na lang siya ng tingin at nagpokus

