Hindi malaman ni Zascha kung anong gagawin. Kanina niya yakap yakap si Zachi. Nililinis ng mga kasambahay ang mga kalat kanina habang sila ni Zachi ay nasa couch. Hindi pa rin ito gumagalaw sa kinalalagyan. Walang umiimik sa kanila. "Uhmm Zasch, I'll just go upstairs for your pamangkins ha." Narinig niyang sabi ni Suzy. Tipid na tumango lang siya sa sa kaibigan. Huminga siya nang malalim at saka mas niyakap ang anak. Ngumuso si Zachi. "Mommy, ang higpit po," reklamo nito. "O-Oh…sorry baby." Niluwagan niya ang yakap. Medyo nataranta pa siya nang gumalaw si Zachi at umayos ng upo sa kanyang tabi. Napalunok siya at tinawag ang isang kasambahay. Binalingan niya ang anak. "Zach, aren't you hungry?" tanong niya. Ngumuso lang si Zachi. "I'm not, mommy." Bumuntong-hininga na la

