"Mommy, I am so happy! Thank you for letting me bond with daddy! Tapos we're like family pa!" Zachi giggled as she licked her ice cream. Bahagya pang nagkalat ang chocolate sa side ng bibig nito. Natawa si Zascha at bahagyang pinahid ang dumi sa gilid ng bibig ng anak. "This is a family day mommy! Me is so happy!" Halos mawala na ang mata ni Zachi sa sobrang paniningkit ng mga mata nito. Malungkot na ngumiti lang si Zascha at ginulo ang buhok ni Zachi. "What else do you want, baby?" tanong ni Zeron. Ngumuso si Zachi at nag-isip pa. Nagningning ang mga mata nito nang makita ang isang poster malapit sa cinema. Nasa isang bench kasi sila sa may cinema. Agad itong tumayo. "Mommy! Daddy, let's go watch pony please!" Agad na tumulis ang nguso ni Zachi nang humarap sa kanila. Bumu

