Chapter 54

1766 Words

Hindi nakagalaw si Zascha at nanatili lang nakatitig kay Zeron pagkatapos ng halik. Napalunok siya at napahawak sa kanyang labi. Hindi rin gumalaw si Zeron. Nakatitig lang din ito sa kanya at ang mga kamay ay nakahawak pa rin sa kanyang magkabilang braso. Nakaawang ang kanyang bibig. Napaatras pa siya nang inilapit ni Zeron ang mukha nito sa kanya. Bahagya niya itong itinulak pero agad naman nitong napigilan ang kanyang pag-atras. Ipinalibot nito ang dalawang kamay sa kanyang bewang. "Zeron…" "Shh." Mas lalo siyang napaliyad nang mas lumapit ang mukha nito. "Zeron…" Napakapit siya sa t-shirt nito nang pakiramdam niya ay mahuhulog na siya. Hindi niya alam kung gaano na sila kalapit at kung gaano na siyang nakaliyad. Napalunok siya at agad na inilibot ang tingin sa buong bahay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD