Kumaway si Zascha sa sasakyang palabas ng kanilang mansyon. Pagkatapos ng dinner ay hinatid siya rito nina Lady Addelaide. Gusto niya nga sana sa condo pero sa mansyon na siya nito dineretso kaya hindi na lang siya nagreklamo. Dumiretso siya sa kanyang kwarto pagkababa ng sasakyan. Nag-stretch pa siya bago dumiretso sa banyo at ginawa ang kanyang evening ritual. Napangiti na lang siya nang makita ang kanyang newly painted nails. Napailing na lang siya at saka akmang lalakad ba papunta sa kanyang cabinet nang biglang mag-ring ang kanyang telepono. Napahinto siya at binalikan muna iyon. Si mommy niya. "Hello, mommy?" "Hello, Zascha, hija. Nasa mansyon ka ba?" Napairap na lang siya nang marinig iyon. "Sabi ko na, e. Ikaw nagsabi kay Lady Addelaide na dito ako ihatid." Napailing