Their call time in the Fortejo Buildings helipad was at 5 am. Mag-cho-chopper sila papuntang Cebu at doon sila sasakay ng yate papunta sa island na binili ni Lady Addelaide. Sabi naman ay hindi masyadong matagal ang biyahe kaya okay lang din sa kanya. Iyon na siguro ang pinakamaagang naging gising niya sa tanang buhay niya. Sinabihan niya kasi ang kanyang mayordoma na magpagising siya ng alas kwatro at nag-alarm na rin siya para sure. Luckily, nagising naman siya on time. Agad siyang naligo at ginawa ang kanyang morning ritual. Handa na rin naman ang mga gamit niya kaya wala na siyang naging problema. Pinababa niya na lang ang mga iyon sa mga kasambahay nila tapos ay bumaba na rin siya. "Manang, kung may kailangan po kayo, si Frances o si mommy na lang ang tawagan niyo, okay? Uuwi ri