“K-Kai, y-you’re here,” wala pa rin sa wisyong sambit ni Rain.
Kumislot siya nang mamalayang abot kamay na siya ni Kaiden. Nahimasmasan siya at napahakbang paatras. Sinikap niyang maibalik ang isip sa reyalidad at nagtagumpay naman siya. Tinapangan niya ang kaniyang anyo at hindi nagpasindak sa presensiya ng dating nobyo.
“I’m glad you didn’t forget me,” nakangising wika ni Kaiden, pilit siyang nilalapitan.
She tried to avoid him, but his strong hand gripped her left arm, preventing her from moving. She froze and stared at his sharp eyes nervously.
“B-Bitawan mo ‘ko,” mahinang sabi niya, kontrolado ang tinig.
“It’s been a year, but I still can’t move on,” he said.
“Sad to hear that. But keep moving on until you forget me, Kaiden.”
“How can I do that? You’re my life, Rain.”
“Magagawa mo akong kalimutan kung gusto mo. Huwag mo na akong guluhin, Kai. Excuse me.” Hindi pa rin siya nito binitawan. “Ano ba!” asik niya.
“You can’t avoid me, Rain. And no other guy can replace me in your life. I assure you that,” maotoridad nitong sabi.
Nang pumiglas siya ay pinakawalan siya nito. “Wala nang dahilan para balikan kita, Kaiden. Masaya na ako sa buhay ko ngayon.”
“Oh, really?” He laughed ironically. “Masaya ka kasi tinatamasa mo na rin ang yaman ng daddy ko. Your mother was a great gold digger, huh.”
Uminit ang bunbunan niya sa sinabi nito. Umangat ang kanang kamay niya at akmang sasampalin ito sa pisngi ngunit nasalo nito ang kamay niya at hinigpitan ang pagkakahawak. Pumiglas siya nginit malakas ito.
“Don’t judge my mother!” gigil niyang bulyaw rito.
“I don’t want to, but I won’t forget how she underestimated me. Her words teared my heart, misjudged me as if she knows what I am going through as I got old,” may hinanakit na pahayag nito, nagtatagis ang bagang.
“Dinipensahan niya lang ako kaya siya nakapagsabi ng masama. Alam ng mama ko kung paano ako nahirapan sa relasyon natin, Kai,” depensa niya.
He giggled. “I know your mother, Rain. But I hope she changes her goal. Magkakasundo kami kung magiging mabait siya sa akin. And you, be nice to me, too… my stepsister.”
He gave her a sardonic grin and winked his eyes at her.
Marahas niyang binawi ang kamay na hawak nito. Pinalaya naman nito iyon kaya nakaatras siya. “You never change,” usal niya habang paiwas dito.
Hinabol pa rin siya nito ng tingin habang matalim ang ngiti. “Yeah, I never change,” nakangising sabi nito.
Binato niya ito ng mahayap na tingin bago tuluyang iniwan. Pero hindi pa siya tuluyang nakalalayo ay muli itong nagsalita.
“Rain! Your memories never fade in my mind! I always hope that one day, you will come back to me. I swear, I never stop loving you!” pasigaw nitong sabi.
Pakiramdam niya’y may ilang kilong bakal na nakakonekta sa kaniyang mga paa, mabigat at hirap siyang humakbang. Ngunit higit na mabigat ang emosyong biglang umalipin sa kaniyang puso habang nagsi-sink in sa kaniyang kukoti ang mga sinabi ni Kaiden.
“Shut up!” aniya ngunit hindi ito hinaharap. Patuloy siya sa paglalakad.
“I missed you, Rain! I always miss you. And this time, I won’t allow you to ignore me again,” patuloy nito sa paos na tinig.
Tinakpan niya ng mga kamay ang kaniyang tainga at tumakbo. Pumasok siya ng banyo at pilit pinakalma ang sistema. Niyanig ni Kaiden ang pagkatao niya. Hindi niya inaasahan na meron pa rin itong impact sa puso niya. Pero hindi siya maaring magpadaig sa kaniyang emosyon. Hindi na puwede.
GUSTO nang umuwi ni Rain sa kaniyang condo ngunit hindi niya maiwan ang kaniyang ina. Alam niya na stress na ito dahil sa hindi inaasahang pagsulpot ni Kaiden. Abot langit noon ang inis nito kay Kaiden dahil ito ang hadlang sa kagustuhan nito na maging artista siya.
Ilang beses kasi niyang binalewala ang plano ng mama niya dahil hindi niya maiwan si Kaiden. Ang liit nga naman ng mundo. Sino ang mag-aakala na magku-krus muli ang landas nila ni Kaiden, at magiging stepbrother pa pala niya ito. Alam niyang mapagbiro ang tadhana pero hindi magandang biro ang ginawa nito sa kaniya.
Kasalo nila sa mahabang mesa ng pagkain si Kaiden at si Lucio. Naroon din pala ang lola ni Kaiden na si Nanay Leticia, na minsan nang nakasagutan ng kaniyang ina. Palaban ang lola ni Kaiden, madaldal, pero sobrang mapagmahal nito sa apo.
Ramdam ni Rain ang discomfort ng mama niya. Hindi ito makakain nang maayos. Nakikinig lang sila sa kuwento ng lola ni Kaiden. Ini-interview ito ni Lucio, na maayos na ang pagsasalita. Nakatulong ang regular therapy nito na nagbalik sa normal na muscles nito sa panga at dila. Nabubulol pa ito kapag diretso na ang pagsasalita.
Katabi ng mama niya si Lucio, sa gawing kaliwa si Kaiden katabi ng lola nito. Nakapuwesto naman sila ni Dion sa tapat ng mga ito, siya sa mismong harapan ni Kaiden. She can’t focus on her food, and could feel the heat from Kaiden’s gaze at her. Isang beses niya itong sinulyapan at walang gatol na nginitian siya.
She lowered her gaze on her food. Ramdam niya ang tensiyon pero pilit niyang binabalewala ang presensiya ni Kaiden at binalingan si Dion. Nilagyan niya ng salad ang plato nitong wala nang laman.
“Konti lang,” sabi nito.
“Gusto mo ba ng wine?” tanong niya sa nobyo.
“Yes,” mabilis na sagot ni Dion.
Saktong kukunin niya ang bote ng red wine sa harapan niya ay nagkasabay sila ni Kaiden na humawak sa bote. Nasagi nito ang daliri niya. Awtomatikong lumipad dito ang kaniyang tingin, natigilan.
Kaiden showed his sharp smile. “Ladies first,” sabi nito saka bumitiw sa bote.
Kinuha niya ang wine at binuksan. Habang nagsasalin siya ng serbisa sa kopita ni Dion ay biglang may bumundol sa binti niya sa ilalim ng mesa. Nagulat siya at na-distract sa ginagawa. Nanginig ang kamay niya’ng may hawak sa bote, tumalsik ang laman sa damit ni Dion.
“Ops!” bulalas ni Dion, napatayo.
Natigil sa pag-uusap ang matatanda. Tumayo rin siya at dumampot ng paper tower at pinunasan ang dibdib ni Dion.
“Sorry!” natatarantang sabi niya.
Hinawakan ni Dion ang kamay niya at pinigil siya sa ginagawa. “Okay lang. Maupo ka na,” anito.
Umupo siyang muli at pinunasan ang nabasang bahagi ng mesa sa tapat nila. Nagpaalam naman si Dion na magbabanyo.
Nawalan na siya ng ganang ubusin ang pagkain niya. Kahit ayaw niya ay napilitan siyang sulyapan si Kaiden na noo’y pilyo ang ngiti. Hula niya, ito ang sumagi sa binti niya. Ito lang naman ang katapat niya na may mahahabang mga biyas.
Kung hindi lang sa kaniyang ina ay hindi siya magtatagal doon sa mansiyon. Kung iiwan niya ito, baka atakehin na naman ito ng nerbiyos, lalo’t naroon din si Lola Leticia. Kinakabahan siya baka magkagulo ang mga ito. Pero mukhang okay naman ang matanda, tila noon lang sila nakilala. O baka naman nakausap na ito ni Kaiden at sinabing magkunwaring hindi sila kilala.
Hinuhulaan niya ang takbo ng isip ni Kaiden, but again, she failed. Never siyang nagtagumpay na hulaan ang mga plano nito. He’s good at pretending. May talent din ito sa pag-arte.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na ang ibang bisita. Umalis sa mesa nila si Rain at sinamahan si Dion sa labas. Ayaw pa sana niya itong pauwiin pero hating gabi na. May trabaho pa ito kinabukasan.
“Ihatid na kita,” sabi niya rito.
“No need. Makisakay na lang ako sa kotse ng photographer ng CLC,” anito.
“Sige.” Hindi niya maitago ang kaniyang anxiousness.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Dion.
Hindi siya makatango dahil talagang hindi siya okay. “Uh, hindi lang ako komportable.”
“Bakit, dahil sa pagdating ng artistahin mong stepbrother?” nakangsing sabi nito ngunit may sarkasmo.
Matiim siyang tumitig kay Dion. “H-Hindi sa gano’n. Inaalala ko lang si Mama. Halata kasing hindi siya komportable,” alibi niya.
Inakbayan siya ni Dion. “Masasanay rin siya. Mukhang mabait naman si Kaiden. I’m sure, magkakasundo sila.”
She bit her lower lip. She wishes Kaiden and her mother would forget the past, but it’s impossible. She took a deep breath, but still, her chest felt like carrying a ton of steel balls.
“Lalong hindi ako makaalis dito hanggat hindi nagiging okay si Mama,” angal niya.
“Then, stay here. Mas maganda nga kung dito ka maglalagi nang mas makilala mo pa ang stepbrother mo.”
Lalo siyang naging uneasy sa suhesyon ni Dion. Hindi na niya alam kung paano maglabas ng saloobin. Ayaw niyang malaman nang maaga ni Dion na may nakaraan sila ni Kaiden.
“Tara na ba, Dion?” mamaya ay tanong ng photographer sa kaniyang nobyo.
“Yes,” anito. Humarap pa ito sa kaniya at pinaghinang ang kanilang mga labi. “Bye. See you tomorrow,” paalam nito saka sumunod sa photographer.
Kumaway lang siya rito. Paglingon niya sa main door ng mansiyon ay namataan niya si Kaiden na nakatayo sa hamba ng pinto, nakapamulsa ang mga kamay at nakatitig sa kaniya.
Nang makaalis sila Dion ay kumilos na siya papasok ng mansiyon.
“Is he your boyfriend?” tanong ni Kaiden na pumigil sa kaniya sa paghakbang.
“Yes,” malamig niyang tugon.
“I know him. He’s the new endorser of my favorite underwear brand and body spray,” he said.
Alam niya ang tinutukoy nitong item na iniindorsiyo ni Dion, but she doesn’t care. Nilagpasan lang niya ito.