HINDI makaalis ng mansiyon si Rain dahil ayaw siyang pauwiin ng mama niya sa condo. Naintindihan niya ito dahil sa pressure. Natatakot din siya na baka atakehin ito ng nerbiyos kaya hindi na muna siya umalis.
Kapapasok lang niya ng kuwarto nang may kumatok sa pinto, nag-aapura. Ginupo siya ng kaba nang sumagi sa isip niya si Kaiden. Ngunit nang marinig ang tinig ng kaniyang ina ay binuksan na niya ang pinto. Dagling pumasok ang ginang, balisa.
“Bakit, Ma?” iritableng tanong niya.
Hinila siya nito at umupo sila sa couch. “I can’t take it. Feeling ko may masamang balak sa akin si Kaiden. Iba siya kung makatingin,” natatarantang sabi nito.
Bumuga siya ng hangin, hinagod ang likod ang kaniyang ina. “Relax ka lang. Para namang hindi mo kilala si Kaiden,” aniya.
“Iyon na nga, eh. Kilala ko siya, at alam ko kung gaano siya kagago.”
“Mama naman. Kalimutan na natin ang nakaraan. I think may nabago naman kay Kaiden.”
“Ano? Obvious naman na asal kanto pa rin siya. Hindi ko makalimutan ang pabalang niyang pagsagot sa akin noon. Sinabihan pa akong mukhang pera at gagamitin daw kita para yumaman? Nako!”
Naalala rin niya noong naabutan sila ni Kaiden ng mama niya sa kuwarto na nagtatalik. Pinagmumura nito si Kaiden, pilit pinalayas sa bahay nila pero sinagot ito ni Kaiden. Nagalit pa noon ang mama niya dahil kinampihan niya ang dating katipan.
“I’m sorry, it’s my fault,” aniya sa malamig na tinig.
Umalon ang dibdib ng ginang. “Bakit ba ayaw tayong tantanan ng kamalasan? Okay na, eh. Sa dinami-rami ng puwedeng maging anak ni Lucio, si Kaiden pa,” maktol nito.
Ginagap niya ang mga kamay ng ginang. “Kumalma ka muna, Ma. Matulog ka nang maaga nang ma-refresh ang utak mo. Para naman makapag-isip ka nang maayos.”
“Pero anak, hindi ako komportable. Narito pa ang lola ni Kaiden na mas maldita pa sa akin. Paano kung gawan nila ako ng isyu para magalit si Lucio?”
“Mama naman. Huwag ka ngang paranoid diyan. Hindi naman siguro gagawin ‘yon ni Lola Leticia. At saka wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Tayo na lang ang mag-adjust.”
“At sa palagay mo magiging mabait sa atin ang mag-lola na iyon?”
Napaisip din siya. Kabisado na niya si Kaiden. Kapag may gusto itong makuha o gawin, hindi ito titigil hanggat hindi nagtatagumpay. Sa pananalita pa lang nito nang magkaharap sila ay obvious na may poot pa rin ito sa kanilang mag-ina.
“Ang mainam nating gawin ay makisama. Hindi ka naman kakantiin ni Kaiden kung mabait ka sa kaniya,” sabi na lamang niya.
“Ano? Ako ang magpapaka-amo sa kaniya?”
“Please, Ma, lower your pride. Alalahanin mo, mahal na mahal ni Tito Lucio si Kaiden. Kung gusto mong manatili ang tiwala sa ‘yo ng asawa mo, maging mabait ka sa anak niya.”
Nanlumo ang ginang. Panay ang hilot niya sa likod nito hanggang sa kumalma. Nang mahimasmasan ay nagpaalam na ito sa kaniya.
Pumasok siya sa banyo at naligo. Marami pa naman siyang gamit doon. Sinadya niya iyon para hindi na siya magdala ng damit sa tuwing naisip na matulog doon sa mansiyon.
Habang nakatutok sa shower ang kaniyang hubad na katawan at mariing nakapikit ay biglang sumagi sa isip niya si Kaiden. At awtomatikong sumariwa ang mga senaryong pinagsaluhan nila noon ng binata, lalo na ang masasarap na sandaling tila bangungot na umuukilkil sa kaniyang diwa.
Kaiden was a guy who could easily catch a woman’s attention, even in his worst appearance. He has perfect s*x appeal that makes women addicted, and he’s a s*x god. His body was a temptation. And she ended struck by the moment when Kaiden gave her terrific s*xual performance that made her obsessed.
Kumislot siya nang mamalayang naninigas ang kaniyang dunggot. Her womanhood was longing for a familiar pleasure. Minadali niya ang pagbabanlaw at pinatuyo ng tuwalya ang katawan.
Paglabas niya ng banyo ay isang malakas na hiyaw ng lalaki ang kaniyang narinig mula sa labas, kasunod ng lagapak sa tubig. Napasilip siya sa bintana kung saan matatanaw ang Olympic swimming pool.
Naroon si Kaiden na tumalon sa tubig. Lumangoy ito pabalik-balik. Pinanood lang niya ito hanggang sa bigla itong umahon at pumanhik ng hagdan na nakaharap sa direksiyon niya. Natigilan siya nang masilayan ang alindog nito, lalo na ang dambuhalang alaga nito na bumakat sa suot nitong bughaw na underwear.
Napalunok siya nang tila nanuyot ang kaniyang lalamunan. Bigla siyang inuhaw, isang matinding pagkauhaw. Mamaya ay nahagip siya ng paningin ni Kaiden, ngunit huli na upang umiwas. Their eyes met in a moment and suddenly prevented her from moving.
Kaiden's killer smiles made her struck in her wild imagination, recalling the past again. At pansin niya na lalong gumanda ang hubog ng katawan ni Kaiden, lalong nag-mature, dumami ang ugat sa mga braso at kamay. Kitang-kita niya ang mga iyon dahil sa liwanag ng ilaw sa paligid nito na tila umaga lang.
“Do you wanna join me here? The water is warm,” sabi nito sa baritonong tinig.
Even his voice had a few changes; it became firm and more masculine. Ang sarap nitong pakinggan. Pumiksi siya nang maibalik ang isip sa reyalidad. Hindi tamang konsintihin niya ang kaniyang sarili.
Lumayo siya sa bintana at isinara ito, hinawi ang makapal na kurtina. Nagbihis na lamang siya ng bulaklaking pantulog saka tinuyo ng blower ang kaniyang buhok.
AFTER lunch pa ang pictorial ni Rain para sa bagong fashion endorsement pero maaga siyang nagising. Ang ingay rin kasi ng rock music mula sa kung saan. Gusto pa sana niyang matulog pero nanrindi ang tainga niya sa ingay.
Pagsilip niya sa bintana ay namataan niya si Kaiden na sumusuntok sa hangin habang itim na boxer lang ang suot. Kahit noon pa ay palagi nito iyong ginagawa, ang mag-shadow fight tuwing umaga pagkatapos tumakbo. Mahilig ito sa rock music, minsan metal sound na nakaiirita sa tainga.
Ang aga-aga’y ang taas ng energy nito. Alas sais pa lamang ng umaga. Pagkatapos maghilamos ay lumabas siya ng kuwarto. Humihilab na ang sikmura niya kaya dumiretso siya sa kusina. Nagluluto pa lamang ng almusal ang cook nilang si Josie, biyuda at ina ng dalawang anak na lalaki.
“Nako! Sinasangag ko pa ang kanin, Ma’am Rain,” sabi ng ginang.
“Ayos lang po. Maghihintay na lang ako,” aniya saka lumapit sa refrigerator. Naglabas siya ng red juice.
“Malapit na rin itong maluto. Nakaluto naman na ako ng ulam, eh.”
“Ano po ang ulam?”
“Nag-request si Sir Kaiden ng boiled egg na malasado at sausage na ginayat at nilagyan ng mayonnaise. Kakaiba rin ang trip niyang pagkain, eh,” aliw na kuwento ng ginang. “At saka, sobrang guwapo pala niya, ano? Para siyang Hollywood actor.” Kinilig pa ito.
She sighed and ignored Josie. Bumuhos na siya ng juice sa baso at nauna na sa dining room. Isinunod naman sa kaniya ni Josie ang nalutong mga ulam. May pritong isda rin itong naluto at carrots omelette.
Saktong kauupo niya ay dumating si Kaiden, nagpupunas ng pawis gamit ang puting tuwalya.
“What’s up? I’m hungry,” sabi nito, inakbayan pa si Josie na nag-aayos ng pagkain sa mesa.
“Okay na, sir. Maupo ka na at dadalhin ko na rito ang kanin,” anang ginang saka patakbong bumalik sa kusina.
Nag-focus lang si Rain sa plato niya. Nilagyan niya ito ng omelette at pritong salmon na maliliit ang hiwa. Umupo sa tapat niya si Kaiden at kumuha ng isang nilagang itlog at tinalupan.
Pagbalik ni Josie ay dala na nito ang sinangag na kanin. Nauna na siyang kumuha ng tatlong kutsarang kanin. Kailangan niyang mapanatili ang slim niyang katawan kaya kontrol lang ang kain niya ng carbohydrates.
“It’s perfect, Ate Josie!” sabi ni Kaiden sa ginang.
“Tinantiya ko talaga ang paglaga niyan, sir. Baka ayaw mo ng medyo matigas na ang yolk.”
“Yap. Ayaw ko talaga ng hard boiled. Gusto ko mamasa-masa, mas masarap kainin lalo medyo nanunulas sa dila ang yolk,” pilyong sabi ni kaiden sabay sipat kay Rain.
“Gano’n po ba? Sige, enjoy lang sa almusal. May gagawin pa kasi ako sa kusina,” paalam ng ginang.
“Okay. Thanks.”
Nang umalis si Josie ay namayani ang katahimikan. Nagkakamay lang kumain si Rain para mas mabilis. Pero kahit anong focus niya sa kinakain ay naaakit pa rin siyang tingnan si Kaiden, lalo na nang biyakin nito sa gitna ang itlog, pinatakan ng mayonnaise sa gitna ng malasadong yolk.
“Hmm… it’s perfect,” wika nito saka mahinhin na dinilaan ang yolk na mayroong mayonnaise.
Rain swallowed a large amount of food when she saw Kaiden sensually licking the leaked yolk from the hole of the egg. It reminded her how Kaiden licked every part of her womanhood.
Kumislot siya nang may paang sumundot sa kaniyang kanang binti. Saka niya namalayan na nakaawang na pala ang kaniyang bibig.
“Tulala ka riyan. Gusto mo ng egg?” pukaw sa kaniya ni Kaiden.
Napalunok siyang muli at ibinalik ang tingin sa kaniyang pagkain. Binilisan niya ang pagsubo, walang preno hanggang sa biglang bumara sa lalamunan niya ang malaking laman ng isda na naisubo niya kasabay ng kanin. Natigilan siya.
“Hey! Are you okay?” tanong ni Kaiden. Napatayo ito.
Hindi siya makakibo. Naninikip ang kaniyang dibdib kaya kinalampag niya ng palad. Lumapit sa kaniya si Kaiden, hinagod ang kaniyang likod pero hirap pa rin siyang maalis ang bara na umusad sa kailaliman ng lalamunan niya.
Inakay na siya ni Kaiden patayo at pumuwesto sa likuran niya. Ipinulupot nito ang mga braso sa dibdib niya saka siya tinagtag kaya bumaba ang kinain niya. Napaubo siya pero nahimasmasan nang mamalayan na nakadakma ang isang kamay ng binata sa kaniyang dibdib.
Pumiglas siya at lumayo rito. Marahas niya itong hinarap at binato ng mahayap na tingin.
“What’s the matter? I’m just helping you,” nakangising untag nito.
Hindi naman siya nagprotesta dahil tama ito. Uminom na lamang siya ng juice at hindi na tinapos ang pagkain. Dinala niya sa kusina ang kaniyang plato.
“Oh, ang bilis mo atang natapos, ma’am,” takang usal ni Josie.
“Busog na po ako. Pasensiya na hindi ko naubos ang pagkain,” aniya.
“Ayos lang. Marami namang aso na kakain niyan.”
Iniwan na niya sa lababo ang plato at baso na ginamit niya. Pagkuwan ay pumanhik siya sa kaniyang kuwarto at naligo. Hindi maaring maglagi siya sa mansiyon hanggat naroon si Kaiden. Sisirain nito ang isip niya.
Tulog pa ang mama niya kaya nag-text na lamang siya na maaga siyang aalis. Nang makapagbihis ay lumabas siya ng mansiyon. Nagsuot lang siya ng pulang blouse at itim na leggings. Lulan na siya ng kaniyang kotse nang mapansin na tila hindi balanse ang sasakyan. Bumaba siya at sinilip ang gulong. Kulang sa hangin ang gulong sa harapan, sa gawing kaliwa.
Napasintido siya. Naisip niyang mag-commute na lang dahil hindi rin naman niya kayang ayusin ang gulong. Busy pa ang guwardiya. Lilisanin na sana niya ang kotse nang mahagip ng paningin niya si Kaiden na nakatayo, nakasandig sa poste ng garahe at nakatitig sa kaniya, nakahalukipkip. Itim na boxer pa rin ang suot nito. May nakaipit na toothpick sa gilid ng labi nito.
“You need help?” tanong nito.
Napabuga siya ng hangin. Talagang gagawa ito ng paraan upang magkaroon sila ng pagkakataon na magkausap.
“No need. I can call a taxi,” sabi niya.
“Come on, let me fix your car’s wheel.” Humakbang ito palapit sa kaniya. “Kanina ko pa pansing flat ang gulong ng kotse. Sa ‘yo pala ‘to,” anito, tumiungko sa harapan ng kotse.
Saktong pag-upo nito ay nabanat ang boxer at kita ang biloy nito sa puwet. She ignored it and focus on the car. Sinisilip ni Kaiden ang gulong, hinanapan ng bagay na maaring tumusok kaya nawalan ng hangin.
“I think it was just lack of air. We need to pump it.” Tumayo ito at sandaling lumisan. Nagtungo ito sa guard house at kinausap ang guwardiya. Inabutan naman ito ng guwardiya ng pambumba ng hangin sa gulong.
In fairness, Kaiden never changes his caring side. Wala siyang naging problema sa mga sirang parte ng bahay nila o gamit noon dahil kayang-kaya nitong ayusin. He was skilled. At isa ang katangiang iyon sa nagustuhan niya.
“Watch me, babe. I can fix it,” ani ni Kaiden saka sinimulang binumba ng hangin ang gulong.
Naggagalawan ang muscles nito sa braso at likod. Nagsimulang kumintab ang balat nito dahil sa namumuong pawis, yet, it makes his appearance hotter and sexy. Mabilis nitong natapos ang ginagawa. Pinisil-pisil pa ang gulong.
“Ayan, matigas na. Hawakan mo, and tell me if okay na sa ‘yo ang tigas. Kung kulang pa, patigasin pa natin para mas masarap imaneho,” wika ni Kaiden.
Gulong lang ang tinutukoy nito pero iba na ang kahulugan sa isip niya. It reminded her of a scene where Kaiden asked first if the hardest of his d*ck was enough for her, so she would be satisfied once it started to penetrate her entrance.
“Uh, that’s enough,” sabi na lamang niya, without touching the wheel.
“Are you sure? Baka mabitin ka sa pag-drive at hindi komportable,” nakangising sabi nito saka tumayo.
“Okay na ‘yan. Salamat,” aniya saka binuksan ang pinto ng kotse.
Isasara na sana niya ang pinto ngunit pinigil ni Kaiden. Nagulat siya nang ipasok nito ang kanang kamay at tumukod sa kaniyang hita. Ipinasok din nito ang ulo kaya napaatras siya. Isang pulgada na lang kasi ang agwat ng mukha nito sa mukha niya.
“Honestly, I missed you so much. I missed your smell, your entire body,” Kaiden said huskily.
“Tumigil ka, Kai. You’re not in the position now to say that,” she stated. Hinawi niya ang kaniyang hita ngunit hindi nito binitawan.
Hirap din naman siyang maiwasan ang malagkit na titig ng binata na tila may gayuma. Gumalaw ang kamay nito, gumapang patungo sa kaniyang singit.
“I told you, you can’t find a guy like me, Rain,” he murmured, crawling his hands into her thighs. “Remember this touch, these fingers, and think how it works to satisfy you, making you feel the amazing or*sm. Feel it, baby… feel it, and tell me you didn’t miss it.”
Malapit na siyang marahuyo, mahibang sa mga salita ni Kaiden. Binubuhay nito ang kaniyang pagnanasa. Pasalamat siya at tumunog ang kaniyang cellphone kaya siya nakalaya sa karesma nito. Naiwaksi niya ang kamay ni Kaiden at naitulak ito palayo.
“Sorry, I’m not the woman you used to know any more!” mariin niyang usal.
Kaiden grinned and bit his lip. “Let’s see. You know me, Rain. I can turn heaven into hell,” he said and gently slapped the car’s roof with his palm.
She started the engine and ignored Kaiden, yet, his nasty words stuck in her mind and made her panic.