NAUNA na sa bahay si Rain at si Kaiden na ang nag-guide sa iba nilang kasama. Inaantok na kasi siya. Niyaya pa ni Kaiden si Dion na uminom at hindi nakatanggi ang huli. Ayaw na niyang marinig ang usapan ng dalawang lalaki baka lalo lang siyang ma-stress. Mabilis siyang nakatulog ngunit nagising din ng alanganing oras. Alas tres pa lamang ng madaling araw at hirap na siyang makatulog ulit. Nang humilab ang kaniyang sikmura ay bumangon siya at lumabas ng kuwarto. Hindi siya nagbukas ng ilaw at cellphone ang kaniyang ginamit upang makalikha ng liwanag sa daan. Baka kasi magising ang mag-asawang caretaker. Pagdating sa ground floor ay dumiretso siya sa kusina. Doon lang siya nagbukas ng ilaw at naghalungkat ng makakain. Nasa ref na lahat ng pagkain kaya kumuha siya ng konting ulam at pinaini