AYAW pang umalis sa dagat ng mga kasama nila kaya inabot sila ng gabi. Nilubos na rin nila ang bakasyon. Maginaw na masyado kaya nagbihis na si Rain. Mabuti may dala silang jacket. Sa yate na sila tumambay dahil nakauwi na ang mga-asawang caretaker. Marami naman sila kaya hindi na mapapansin ng mga ito ang iba. Doon na sila sa yate naghapunan. Kasama na rin doon ang inuman at huling salo-salo bago uuwi ng Pilipinas. Nakaupo silang lahat sa harap ng mahabang mesa na puno ng pagkain. Katabi ni Rain sa upuan si Dion na kain lang nang kain. Nagustuhan nito ang niluto ni Pelin na meat balls. Solo si Kaiden sa dulo ng mesa sa kaliwa. Magkakatabi naman ang models, si Sasha ay katabi niya sa bandang kanan. Busog pa siya kaya konti lang ang kinain niya. Nagustuhan niya ang cocktail na tinimpla ni