PAGLUBOG ng araw ay bumalik din sila sa bahay. Hindi makapagdesisyon si Rain kung saan niya patutuluyin si Dion pagdating. Kasalo nila sa hapunan ang mag-asawa pero si Pelin lang ang nagsasalita. Hindi maintindihan ni Rain bakit pumatol ang mag-asawa sa deal ni Kaiden, na kapalit ng pera ay ang pananahimik ng mga ito. Kaswal ang pakikitungo sa kanila ni Pelin, tila walang problema. Pagkatapos ng hapunan ay dumiretso siya sa kuwarto. Maliligo na sana siya ngunit biglang may kumatok sa pinto. Nang buksan niya’y si Kaiden, kaagad pumasok at ito ang nagsara ng pinto. “Ano’ng problema?” ‘takang tanong niya. “Wala naman. Dito ako matutulog,” sabi nito. Nataranta na siya. “Baliw ka ba?” “Easy. Walang makakahuli sa atin.” Humiga na ito sa kama niya. Hindi mapakaling palakad-lakad siya sa ha