“MAGPALIWANAG ka sa akin, Rain,” nanlilisik ang mga matang sabi ni Emma. Napangiwi si Rain. Wala naman siyang ibang palusot dahil ang obvious ng sinabi ni Kaiden. Nananadya na ang loko. “Hindi po totoo ang sinabi ni Kaiden, Ma. Hindi ako nagpapaturo ng kung ano sa kaniya,” aniya. “Eh, ano ang ginawa n’yo rito at hawak niya ang kamay mo?” Namaywang na ito. “Ano, sinaway ko lang siya kasi….” “Kasi ano?” asik nito. “Naglalaba kasi ako at natatalsikan ako ng mga alikabok kakalikot niya,” pagsisinungaling niya. Nakagat din niya ang ibabang labi dahil alam niyang hindi oobra ang palusot niya. “Nako! Huwag ko lang malaman na pinapayagan mong malandi ka ng lalaking ‘yon, Rain! Ayusin mo ang sarili mo. May boyfriend ka at parte ka ng pamilyang ito. Huwag kang gagawa ng bagay na ikasisira ng