BUMALIKWAS ng upo si Rain nang tamaan ng sinag ng araw ang kaniyang mukha. Iginala niya ang paningin sa paligid. Nasa kuwarto na siya ng penthouse! Nang mahimasmasan ay tumayo siya at dinampot ang kaniyang bag mula sa bedside table. Lalabas na sana siya nang biglang bumukas ang pinto sa banyo at lumabas si Kaiden na tanging puting tuwalya ang sapin sa ibabang katawan. Bagong ligo ito. “Good morning!” nakangiting bati nito. “s**t!” natatarantang usal niya. “Bakit hindi mo ako ginising?” tanong niya. “Why should I do that? It’s my chance to sleep with you in bed,” pilyong sabi nito. “Abusado ka talaga!” singhal niya rito. “Ah-ah, don’t blame me. Ikaw itong tumabi sa akin sa bench. Nagising ako nang madaling araw na katabi ka at mahigpit ang yakap sa akin. We shared the blanket. Maginaw