LATE nang nagising si Rain dahil mag-uumaga na siyang nakatulog ulit. Kaagad siyang naligo nang maalala ang workshop. Kamamadali ay hindi na siya kumain. Nagbaon lamang siya ng sandwich at juice in can. Sa kotse na siya kumain habang nagmamaneho at nabinbin sa traffic. Bitin pa rin ang tulog niya kaya pagdating sa workshop studio ng Calla ay nanghihina siya sa antok. Pagkatapos kasi niyang maligo noong gabi ay kinulit pa siya ni Kaiden ng kakatawag at text. More on lecture muna sila sa workshop. She got her module for their first session. May experience na siya sa theater acting kaya hindi na siya mahihirapan. Next week na ang susunod niyang session, saktong makauwi na sila mula Turkey. Ang unang scene na pinagawa sa kaniya ay eksena ng breakup. It’s a piece of cake to her since she alr