HUMINGI na ng tulong sa kanila si Diana. Gusto nitong madakip na si Marlon, este, Marvin. Awang-awa si Rain sa magkapatid, lalo na kay Dion na ginamit ng kriminal nitong tiyuhin, na inakalang ama. Masakit iyon para sa anak na hindi alam na matagal na palang patay ang totoong ama. “Naniniwala ka ba sa mga sinabi ni Diana?” tanong ni Kaiden nang naghahapunan na sila. Nakaalis na si Diana matapos ibunyag ang mga sikreto ni Marlon. Para sa kaniya, mas mainam na pakinggan din ang panig nila Dion. “Naniniwala ako na inosente sina Dion at Diana. Pero hanggat hindi sumusuko si Dion, huwag tayong magtiwala,” aniya. “Kung ayaw ni Diana na mapabigat ang kaso ni Dion, siya na mismo ang gumawa ng paraan para maisuko sa pulis ang kapatid niya. Dion chose to hide from his father, but he would be saf