STABLE na ang kondisyon ng mama ni Rain pero ayaw payagan ng doktor na sa bahay magpagaling. Nailipat lang ito sa ward. Mas mainam na rin iyon para matutukan ng doktor. Isang linggo na ang nakalipas magmula noong nailibing ang labi ni Lucio. Hirap pa rin silang maka-recover sa lungkot, lalo na si Kaiden. Inaaliw na lang nito ang sarili sa trabaho. Si Rain ay nanatili sa hospital kasama ang mama niya. Sinusundo lang siya roon ni Kaiden sa tuwing gabi. Maayos nang magsalita ang mama niya ngunit hirap pa ring kumilos. Nang lapitan niya ito sa kama ay hinawakan nito ang kamay niya. “Pupuntahan mo ba ang lolo mo, anak?” tanong ng ginang. “Opo. Bukas na kami aalis ni Kaiden,” aniya. Nanilim ang anyo ng ginang. “Patawarin mo ako, anak. Ang dami kong inilihim sa ‘yo.” Lumuklok siya sa gilid